Sunday , November 17 2024
Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most bemedalled” swimmer sa pagtatapos ng 1st Novice Swim Championship sa maulang Linggo sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Nakopo ni Diamante, isang miyembro ng RSS Dolphines Swim Team,  ang Girls 11-years old class A 25-meter free style sa oras na 14.30 segundo, butterfly (14.80), backstroke (16.30), breastroke (21.40), 50-meter freestyle (30.40), at 100-m Individual medley (1:29.40).

Hindi nakompleto ni Diamante ang isang sweep sa grassroots development program  ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) na pinamumunuan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain at suportado ni Speedo nang masilat sa tunggalian laban kay Alex Pasia ng Sharknado Swimming Team ang 100-m freestyle (45.80) sa tiyempong  1:09.10.

Noong nakaraang buwan sa Reunion swimfest ng COPA, itinanghal din si Diamante na top swimmers  tangan ang apat na gintong medalya sa Class A 100-m butterfly (1:21.30); 100-m backstroke (1:24.70); 100-m freestyle (1:11.00) at ang 200-m back (3:04.90).

“Masayang, masaya po ako at nagpapasalamat sa COPA dahil tuloy-tuloy ang tournament nila sa mga kabataan tulad ko. Mas gagalingan ko pa po sa susunod. Medyo maginaw na kanina kaya hindi ko na masyadong nakahirit,” pahayag ni Diamante, patungkol sa malakas na hangin at bahagyang pag-ulan dala ng bagyong  Karding.

Idineklara ng weather bureau ang signal No.3 sa Maynila bandang hapon ngunit masuwerte ang organizers na natapos ang event pagkatapos ng lunch break.

“Inagad nga namin after we receive the info about the signal warning. Pasalamat naman kami at natapos nang maaga at napauwi natin ang lahat bago pa bumuhos ang ulan. Hindi na kami nag-awarding, abot na lang ‘yung medals,” pahayag ni technical director head Richard Luna.

Sinabi ni COPA Board member Chito Rivera, inaasahan niya ang malaking partisipasyon ng public school student habang inihayag ang planong doblehin ang bilang ng mga kalahok sa susunod na tournament — ang Reunion 3rd leg swim challenge sa 22-23 Oktubre 2022. Naka-line up din ang Sprint meet sa pagpapakilala ng SKINS Swim event (12-13 Nobyembre 2022); at Short Course Yuletide Swimming Championship (10-11 Disyembre 2022).

“Masayang, masaya ‘yung mga estudyante natin mula sa public school. ‘Yung isa ngang coach, pasalamat nang todo dahil ngayon lang daw sila nakalaro bukod sa mga division meet ng DepEd para sa Palarong Pambansa. Sabi ko, sagot ng COPA ang participation fee ninyo kaya ‘wag na kayong mag-alala, basta may event ang COPA kasali kayo,” ani Rivera, head coach din ng Jose Rizal University varsity squad.

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Chloe Phoemela Constantino sa 14-yrs 25-m freestyle (class C, 15.70), Alexandra Pascua (class N, 18.10); 15-over 25m freestyle, Mary Christine Llorente (class A, 13.95); Katreena Via Duque (class C, 14.50); Faith Real (class N, 17.20); 8-yrs old 50-m free Isebelle Ramirez (class A, 44.90); at Eunice Jacinto (class N, 55.60); 9-yrs old 50-m free, Alandria Delantar (class A, 36.20); Alexandra Cai (class C, 47.40); Rafaella Decano, at Shane Salvador (class N, 49.50); 10-yrs old 50-m free, Allianah Soriano (class A, 35.80), Ianne Zafra (class C, 45.50); Kate Lopez (class N. 48.70); 11-yrs old 50-m free, Alex Pacia (class C, 42.30); at Simone Llanto (class N, 45.05). (HATAW SPORTS)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …