Seryeng ukol sa pag-ibig espesyal ngayong Pebrero
RATED R
ni Rommel Gonzales
MAS pakikiligin ng GMA Network ang buwan ng pag-ibig sa pamamagitan ng special airing ng Wagas tuwing Sabado, 4:45 p.m., simula Valentine’s Day (Pebrero 14).
Bibigyang-buhay ng well-loved at award-winning drama anthology ng GMA Public Affairs ang real-life young love stories tulad na lamang ng unang pag-ibig, lihim na pagtingin, matapang na pagtatapat, at mga relasyong dumaan sa mga pagsubok.
Muling masisilayan ng mga manonood ang mga taos-pusong kuwentong ito na binigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Kapuso stars ngayon, kabilang sina Barbie Forteza, Bianca Umali, Ruru Madrid, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Ashley Ortega, Derrick Monasterio at iba pa.
