Friday , November 15 2024
Live-in partners timbog sa buy bust operation

Live-in partners timbog sa buy bust operation

ARESTADO ang pinaniniwalaang mga tulak ng ilegal na droga na nasamsaman ng P60,000 halaga ng shabu sa ikinasang anti-illegal drugs buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna, nitong Miyerkoles, 24 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio ang mga suspek na sina Arvin Trinidad, 40 anyos, walang trabaho; at kanyang kinakasamang si Teresa Vicente, 40 anyos, vendor, kapwa mga residente ng Israel Village, Brgy. San Antonio 1, sa naturang lungsod.

Sa nasabing buy bust operation ng San Pablo CPS sa koordinasyon ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) PRO4A, nadakip ang mga suspek dalong 5:59 pm kamakalawa sa kanilang bahay.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang maliit na plastic sachet at isang medium size na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P60,000; at pouch na may lamang P500.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Isusumite ang mga nasamsam na ebidensiya sa Provincial Forensic Unit sa Camp Paciano Rizal, Sta. Cruz , Laguna para sa laboratory at drug test examinations. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …