Saturday , April 5 2025
Donnie Nietes Kazuto Ioka

Kazuto Ioka nakaresbak kay Donnie Nietes

MATAGUMPAY na naidepensa  ni Kazuto Ioka ang kanyang tangang WBO junior bantamweight title nang makabuwelta siya ng panalo via 12-round unanimous decision laban kay fellow four-weight world champion Donnie Nietes  sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo.  Ang official scores ay 120-108, 118-110 at 117-111.

Sa panalo ni Ioka na rated No. 2 ng Ring Magazine sa 115 pounds ay naipaghiganti niya ang pagkatalo sa Filipino veteran na tumalo sa kanya via 12-round split decision nung Disyembre 2018.

Pagkaraang matalo ni Ioka  kay Nietes, bumawi ito ng mga panalo laban kina Aston Palicte (TKO), Jeyvier Cintron (UD 12), Kosei Tanaka (TKO 8), Francisco Roriguez Jr. (UD 12) at Ryuji Fukunaga (UD 12).

Sa simula ng salpukan ng dalawang magaling na boxers ay puno na agad ito ng aksiyon,  at si Ioka ay napanatili ang posisyon sa gitna ng ring at naging abala sa kanyang pagbato ng matitinding kombinasyon.   Samantalang si Nietes ay  maganda rin ang ipinupukol na  kanan at jabs.

Ang pagpapakawala ng suntok ng dalawa ay mula sa long range.  Pero kitang-kita na si Ioka ang nakagagawa ng ‘tactical decision’  para targetin ang katawan ng kalaban na naging epektibo sa kabuuan ng laban.

Tinapos ni Ioka ang dominasyon kay Nietes para mapagwagian  ang isang one-sided na panalo.

Misyon ngayon ni Ioka na makaharap si Juan Francisco Estrada (Ring, WBA),  Jesse Rodriguez (WBC) o Fernando Martinez (IBF)  para sa isang unification fight.

About hataw tabloid

Check Also

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Laela Mateo

Laela Mateo handang sumabak sa PH junior team

ANG open basketball program ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ay isang mabisang programa para …