Saturday , November 16 2024
FESSAP Nat’l Interscholastic Table Tennis Championship
CAPTION: Ang mga miyembro ng Executive class champion Triple Charles-Army (mula sa kaliwa) Gregorio Pascua, George Quijano, TATAND Honorary President Charlie Lim, at Julius Esposo kasama si tournament referee Gigi Aguinalde sa awarding ceremony.

Manlapas,  Sanchez bumida sa FESSAP Nat’l Interscholastic Table Tennis Championship

NAKAMIT nina Joshua Manlapas ng Makati-NETTO at J-am Sanchez ng Wadjad Tennis Tavolo ang minimithing slots para sa Philippine Team na isasabak sa  Jinjang World School Games matapos manaig sa boys and girls singles event sa katatapos na 2022 FESSAP National Interscholastic Table Tennis Championship sa Robinson Novaliches sa Quezon City.

Tinalo ni Manlapas si Morison Torres ng Paco Citizen Academy Foundation, 2-1, sa high school boys singles finals, habang tinalo ng 15-anyos na Sanchez si Shyrein Mae Redoquerio ng Adamson University, 2-0, sa girls finals ng event na nagsilbi bilang qualifying para sa PH table tennis team na nakatakdang maglaro sa World School Games na nakatakda sa Nobyembre sa China.

Bilang mga finalist, nakapasok din sina Torres at Redoquerio sa five-man National squad. Makakasama nila ang protegee na si Kheith Rhynne Cruz. Ang 14-anyos na Vietnam SEA Games veteran na pre-qualified para sa koponan bilang No.1 women table netter ng bansa.

Sa high school team event ng kompetisyon na itinataguyod ng Robinsons Novaliches , Joola Philippines, PAGCOR, Best Tank , Omni, Toto Pol Fish Broker, CHAWI Fishing, Paddocks , Orienting of the Philippines , Green Paddle Equipment Inc. , Table Tennis Association for National Ang Development , Dobinson, Carlson Digital Prints, at TATAND Honorary President Mr. Charlie Lim,  nakipagtulungan si Cruz kay Jelaine Monteclaro upang  sandigan ang Paco Citizen Academy Foundation laban sa La Salle University-Star Power nina MJ Yamson, Zachi Chua at Janna Paculba.

Nakumpleto ng Paco na binubuo nina Brent Chavez at Torres ang sweep sa high school class nang pagbidahan ang boys team  laban kina Dominique Henze Lucero at Jebb Jerwin Datahan ng Wadjad Tennis Tavolo. Nagtapos na runner-up ang Makati-Netto (Jan Gabriel Presbitero, Matt Andrew Ramos, Ray Joshua at Lawrence Manlapaz) at One Pampanga/Bulacan (Sean Irvin Garcia, Reyan Yvess Reg).

Sa college men’s team event, tinalo ng TATAND-Joola nina Alexis Bolante, Rill Ramiro, at Francis Bendebel ang Baycliff na binubuo nina Pong Mercado, at Ruiz Arc Marcelino, habang ang Perpetual-Patto, sa pangunguna nina Nationals Keziah Bien Ablaza at Jannah Romero kasama si Rein Teodoro ay nanaig sa women’s side laban sa  Wadjad Tennis Tavolo nina Sherlyn Love Gabisay, at Emery Faith Digamon.

Nanaig naman ang tibay at lakas nina  dating national player at coach Julius Esposa kasama sina  George Quijano, Gregorio Pascua at Charlie para maiangat ang Triple Charles-Army kontra sa  ACE na binubuo nina Philip Uy, Peter Lam, Michael Dalumpines at Henry Ding  sa  Executive Veterans Team championship.

Ang All-Star Legend-Army (Aileen Armando, Susan Tayag, Anta Abas, Sendrina Balatbat) at Dobinson (Richmond Ong, Richard Koa, Rodel Valle at Jayson Jaquilmo) ay umangkin ng runner-up honors.

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …