Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pat Cash Nick Kyrgios

Dating Wimbledon champion Cash  inakusahan si Kyrgios ng pangdaraya

INAKUSAHAN ni dating Wimbledon champion Pat Cash ang kababayang Australian  na si Nick Kyrgios  ng pandaraya at paggamit ng masamang taktika para makakuha ng ‘psychological’ na adbentahe sa kanyang padarag na panalo sa 3rd-round laban kay Stefanos Tsitsipas, at ang kanyang ‘antics’ ay nakasira ng sport’s standing.

Pinatawan  ng multang $10,000 si Kyrgios pagkaraan ng first-round match nang duraan niya ang isang fan.  Nawarningan din siya nang asbaran niya si Tsitsipas at takutin itong madi-default pagkaraang muntik na niyang tamaan ng bola ang isang manonood sa ulo.  

Tinawag ni Tsitsipas si Kyrgios na  “bully” with “an evil side.”

Umalma si Kyrgios sa komento ni Tsitsipas tungkol sa bullying  at sinabi nitong ang Greek “was the one hitting balls at me, he was the one that hit a spectator, he was the one that smacked it out of the stadium”.

Si Cash, ang 1987 Wimbledon champion, ay nagbigay ng pahayag sa BBC Radio nung Linggo at sinabi niya na ang match ay “absolute mayhem”.

“He’s brought tennis to the lowest level I can see as far as gamesmanship, cheating, manipulation, abuse, aggressive behaviour to umpires, to linesmen,” dagdag niya.

“Something has got to be done about it. It’s just an absolute circus.

“It’s gone to the absolute limit now.”

Sinita rin ni Cash ang chair umpire at kategorikal na sinabi niyang nawalan   sila ng kontrol sa laro  at ang aktuwasyon ni Kyrgios ay pagpapakita ng pandaraya.

“Tsitsipas would make a line call and he’d go up there and start complaining, he’d be in his face – that’s part of gamesmanship, that’s the sort of stuff he does and I think there’s a limit.”

Pinatawan ng $4,000 fine si Kyrgios nung Sabado sa pagiging abusado at  nagpataw din ng multa ang organizers kay Tsitsipas ng $10,000 sa paghampas niya ng kanyang tennis  rocket dahil  sa galit sa kalaban.

Makakaharap ni Kyrgios ang unseeded na si American Brandon Nakashima sa Centre Court sa Lunes.  Pagtatangka niya iyon para makarating sa unang Grand Slam singles quarter-final  simula pa nung 2015, at nag-aalala si Cash kung ano nga ba ang susunod na gagawin nito sa laro.

“Let’s hope he doesn’t drop tennis there to a lower level than he did on Saturday,” sabi ni Cash.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …