Sunday , May 11 2025
Gilas Pilipinas FIBA World Cup Asian Qualifiers

Gilas umabante sa 2nd round ng FIBA World Cup Qualifiers

UMABANTE   ang Gilas Pilipinas, New Zealand, at India sa 2nd round ng FIBA World Cup qualifiers.

Nung linggo ay nakaresbak ng panalo ang Gilas laban sa India 79-63 sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers  sa SM Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni Dwight Ramos ang atake ng Team Philippines nang tumikada siya ng 21 puntos, limang rebounds, apat na steals, at dalawang assists.

Ang magandang inilaro Ramos ang nagpaalagwa sa kalamangan ng Gilas 21-10 sa unang quarter.  Tumaas pa ang abante ng Team Philippines sa 24 puntos  (48-24)  sa kaagahan ng 3rd quarter.

Tumapos ang Gilas sa first round ng qualifers para sa FIBA World Cup na may kartang 2-2.   Ang dalawang talo ay ipinalasap sa kanila ng New Zealand.

Ang Philippines, New Zealand, at India ay aabante sa 2nd round at mapapahalo sa top three finishers  mula sa Group C na kinabibilangan ng  Lebanon, Saudi Arabia, at Jordan.

Nag-ambag para sa Gilas si Kiefer Ravena ng 12 puntos, four  assists, at dalawang rebounds plus dalawang steals.   Si William Navaro ay may 11 puntos at apat na rebounds, samantalang si Carl Tamayo na galing lang sa  injury ay kumana ng siyam na puntos, siyam na rebounds, at tatlong steals.

Hindi kuntento ang coaching staff ng Team Philippines sa naging panalo sa India   dahil nagkaroon ng 15 turnovers ang Pilipinas  at kumana lang ng anim na puntos sa 28 attempts mula sa tres.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …