Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kai Sotto

Kai Sotto ‘di  maglalaro sa FIBA Asia Cup

KINUMPIRMA ni  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) programa director Chot Reyes na hindi makakasama si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas na maglalaro sa FIBA Asia Cup na hahataw sa Indonesia.

“Mukhang wala na. He has decided to do some other thing and forego the Fiba Asia Cup,” pahayag ni Reyes nung Linggo pagkatapos ng panalo ng Gilas laban sa India sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Pahayag ni Reyes na ang federation ay patuloy na nakikipag-usap sa handlers ni Sotto pero wala silang nakuhang kasagutan sa naturang kampo.

“We have [been communicating] and they said no. Well, they haven’t said no but they’re not saying yes. If it’s not a yes, we already know what it is,” sabi ni Reyes.

Malaking kawalan si Sotto sa Team Philippines lalo na ngayon na kulang sa big men ang Gilas sa pagkawala ni naturalized player Ange Kouame dahil sa Injury.

Sa kasalukuyan ay nananatiling isang malaking kuwestiyon kung ano na ang susunod na hakbang ni Sotto pagkaraang maging undrafted sa 2022 NBA Draft at napag-iwanan sa NBA Summer League roster.

Bagama’t malaki ang pangangailangan ng Gilas sa kalidad ni Sotto, sinabi ni Reyes na wala silang magagawa sa kasalukuyan kungdi ang maghintay ng last minute na pasabi sa kampo ng 7-foot-3 na maglalaro siya sa  FIBA Asia Cup.

“We’re still hoping, but to be very honest, medyo malabo,” sabi niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …