Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi, Marco Gumabao

MARCO NILINAW, WALANG RELASYON AT ‘DI NANLILIGAW KAY IVANA — We’re just friends, magbabarkada

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

WALA naman palang relasyon at hindi rin nanliligaw si Marco Gumabao sa sexy actress na si Ivana Alawi, ito ang pagtatapat ng isa sa bida ng pelikulang My Husband, My Lover mula sa Viva Films.

Adrian Alandy, Kylie Versosa,  Cindy Miranda, Marco Gumabao

Sa virtual mediacon ng bagong pelikula nina Marco, Cindy Miranda, Adrian Alandy, at Kylie Versosa ay muling natanong ang una kung ano ang status ng relasyon nila ni Ivana na naunang itanong sa kanya sa ‘Di Na Muli series zoom interview pero hindi ito nasagot ng maayos ng aktor dahil sinalo siya ng leading lady niyang si Julia Barretto na nahihirapan daw sumagot ang binata at kilala niya ang kaibigan niya kapag in love o hindi.

Ending, hindi naman pala. Kumbaga may pa-click bait ang dating ni Julia kaya lalong na-curious ang entertainment press kay Marco lalo na’t nag viral ang video na nasa videoke bar sila at nakapatong ang kamay nito sa hita ni Ivana.

At sa My Husband, My Lover ay malayang nasagot ni Marco ang lahat ng walang nag-butt in.

“Basically, we’ve been friends for more than a year. Magkakabarkada po talaga kami and, at the same time, we really are close.

“But we’re just friends so I know marami ang naiintriga sa video, but magkakaibigan lang po talaga kami,” pagtatapat ni Marco.

Nabanggit pa ng aktor na apat na taon na siyang single pero he goes on dates naman pero hanggang doon lang muna dahil ini-enjoy pa niya ang pagiging binata sa edad na 27.

Gusto ni Marco na kapag nagkaroon siya ng karelasyon ay iyon na ang makakasama niya sa buhay.

“Ayokong magsayang ng oras, mag-invest at saka magastos ‘di ba sa panahon ng pandemya kaya ipunin ko na lang. Hindi naman ako nagmamadali, 27 palang naman ako,” paliwanag ng aktor.

Samantala, may asawa ang karakter ni Marco sa My Husband, My Lover pero hindi siya maka-relate kasi nga wala naman siyang asawa pa pero inaral niya para mabigyan ng justice ang role niya.

“Siguro ang natutunan ko sa character ko as Noel is hindi ganoon kadaling magpalit sa taong mahal mo with another person. It’s not easy to replace the love of your life to someone kahit na may ibinibigay na pisikal ang taong ‘yun,” paniniwala ng aktor.

Matitindi ang 12 love scenes nina Marco at Kylie, Adrian at Cindy na ayon kay Direk Mac Alejandre ay naibigay ng mga artista niya ang hinihingi ng kuwento dahil sa simula palang ay kinausap na niya isa-isa ang apat na bida na hindi siya basta gagawa ng sexy movie para masabing sexy lang.

At nakagugulat ang trailer ng My Husband, My Lover dahil may threesome kaya abangan ito sa Vivamax sa Nobyembre 26 mula sa panulat ni Ricky Lee.

Streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …