Friday , May 2 2025

Memo ni Duterte vs ‘plundemic’ probe garapal (Unconstitutional!)

100621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ITINAGO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘takot’ sa Senate Blue Ribbon Committee ‘plundemic’ probe sa pamamagitan ng ‘memorandum’ na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa pagdinig.

Mula nang magsimula ang ‘plundemic’ probe ay naging bisyo ni Duterte na idepensa ang mga opisyal at kaalyadong iniimbestigahan ng Senado at walang habas ang kanyang pagbatikos sa mga senador kaya marami ang nagdududa na sangkot siya sa usapin.

Tinawag na unconstitutional ng Philippine Bar Association, Inc. (PBA) at mga senador ang direktiba ni Duterte sa mga opisyal ng sangay ng ehekutibo na isnabin ang ‘plundemic’ probe at sa mga pulis at militar na huwag sundin ang hirit na kooperasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga inisyung warrant of arrest laban sa kanilang resource persons.

Sa kalatas ng PBA na ipinaskil sa social media, hinimok si Duterte na bawiin ang kautusan dahil naniniwala silang malinaw na paglabag ito sa Saligang Batas.

Ipinaliwanag ng PBA, ang direktiba ni Duterte ay kontra sa separation of powers ng tatlong sangay ng gobyerno  — executive, legislative, at judicial — nakasaad sa 1987 Constitution at taliwas sa sistema ng checks and balances.

Anang PBA, ang direktiba ni Duterte ay nakasasama sa mga Filipino na nagnanais ng public accountability sa mga opisyal at ibang sangkot sa dispalinghadong paggasta sa pandemic funds at “disservice to the principle of civilian supremacy over the military.”

Nauna rito’y nanawagan ang ilang business groups at academic institutions sa mga opisyal ng administrasyong Duterte na makipagtulungan sa isinusulong na Senate ‘plundemic’ probe.  

Sa joint statement, sinabi ng mga grupo na marapat ipagkaloob sa sambayanang Filipino ang buo at patas na pagtutuos kung paano ginasta ang pondo ng bayan para tugunan ang CoVid-19 pandemic.

Bunsod ng Duterte memorandum, hindi dumalo kahapon sa Senate Blue Ribbon Committee ‘plundemic’ probe ang mga opisyal ng Department of Health (DOH), at Department of Budget and Management (DBM), maging sina dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao.

Nanindigan ang mga senador na ang direktiba ni Duterte ay garapalang unconstitutional.

“This has all the red flags of unconstitutionality. It only covers this particular blue ribbon committee hearing. I cannot see any other memorandum as blatantly unconstitutional as what we have before us,” sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagdinig kahapon

Ang memorandum aniya ay “total contravention”  sa Supreme Court’s 2006 Ermita ruling, na sinabi ng Korte Suprema, kapag may imbestigasyon sa Kongreso na kailangan ang pagdalo ng Cabinet officials in aid of legislation, mandatory ang kanilang paglahok.

Tinagurian ni Senator Panfilo Lacson ang memorandum ni Duterte na “Gordon-specific” dahil hindi isinama ang mga imbestigasyon sa Kamara at bukod-tangi sa plundemic probe lamang ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon.

Ngunit para kay Commission on Audit (CoA) Chairman Michael Aguinaldo, ang ‘plundemic’ probe ay nakapagbigay ng mahahalagang kontribusyon sa intensiyon ng COA na magsagawa ng special audit sa multi-bilyong transaksiyon ng  Pharmally Pharmaceutical Corporation sa gobyerno.

“You are in the right position to ask questions about that (dubious transactions),” sabi ni Aguinaldo kay Gordon sa ‘plundemic’ probe hearing kahapon.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, hindi makaiiwas ang mga opisyal na hindi dumalo sa pagdinig dahil maghaharap pa rin sila sa budget hearing at doon sila tatanungin ng mga senador.

About Rose Novenario

Check Also

Pulong Duterte

Reklamo ng pick-up girl, bayad kulang  
PULONG NAMBUGBOG NG ‘BUGAW’ HAGIP SA CCTV CAMERA NG BAR

ISANG lalaking umaming ‘bugaw’ ang lumantad at nagsampa ng mabibigat na paratang laban kay Congressman …

Joey Salceda Phivolcs

Salceda: Phivolcs Modernization Act, pamumuhunang ligtas buhay, lalo na sa Albay  

Ang Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Modernization Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil garantisadong panlaban sa heat wave

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …