Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binoe tinulungang mag-promote ng bagong show si Aljur

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman itong si Robin Padilla. Sa kabila kasi na hiwalay na ang anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica, nagawa pa rin niyang i-promote sa kanyang Facebook account ang suspense-drama documentary show ng manugang niya, ang Eskapo na mapapanood sa PTV4.

Post ni Binoe sa kanyang FB account, ”Mabuhay Mga kababayan! Abangan niyo po ang ‘ESKAPO’ starring Aljur Abrenica sa September 25 | 5PM-6PM Sa Magandang Gabi Pilipinas in PTV4.”

Kalakip ng post ang teaser ng TV show ni Aljur na mula sa direksiyon ni Cesar Soriano.

Sa post na ‘yun ni Binoe, maraming netizen ang nag-react.

Isang netizen ang nagsabi na, ”Eskapo sa Pamilya! Part 1,” na ang gusto sigurong iparating ng netizen ay ang pag-iwan ni Aljur kay Kylie.

“Kylie has left the group,” pagbibiro naman ng isang netizen.

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Aljur kapag nakarating sa kanya ang ginawang pagpo-promote ni Binoe ng kanyang show? At si Kylie, ano kaya ang mararamdaman sa ginawa ng kanyang ama?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …