Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
 Marco Gumabao, Julia Barretto, Marco Gallo
 Marco Gumabao, Julia Barretto, Marco Gallo

Julia sa buhay niya ngayon — grateful, happy and content

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nagdalawang-isip si Julia Barretto na tanggapin ang fantasy-romance drama na Di Na Muli ng Viva, Sari-Sari, at TV5. Nagustuhan kasi agad ng aktres ang istorya dahil kakaiba at hindi pa niya nagagawa ang karakter na ginagampanan dito.

Ito rin bale ang comeback teleserye ni Julia simula nang umalis siya sa ABS-CBN.

Ginagampanan ni Julia ang karakter ng isang taong mayroong abilidad na makita ang life span ng isang tao kapag hinawahawakan niya ang kamay ng mga ito.

https://www.youtube.com/watch?v=BL29WxUtnq8

Sa virtual media conference natanong si Julia gayundin ang dalawa niyang leading men na sina Marco Gumabao at Marco Gallo kung ano ang mga bagay na ‘di na muli nila babalikan.

Ani Gumabao, hangga’t maaari ayaw niyang mag-regret sa mga naging desisyon niya sa buhay. Pero kung may nagawa man siyang pagkakamali, aayusin na lang niya at itatama.

Happy naman si Gallo sa lahat ng nangyayari sa buhay niya pero kung mayroon siyang hindi babalikan, iyon ay ang old Marco at ang mga naging pagkakamali niya in the past.

Ayaw namang magkaroon ng regrets ni Julia. ”Ako, I would have to agree with Marco (Gumabao). I don’t believe in regrets and and I don’t believe in regretting anything especially if it brought you to where you are in life right now. And I’m pretty grateful for where I am right now, and happy and content.

“Siguro, ‘yung akin na lang is kung mayroon akong ‘di na muli babalikan na moment or pangyayari sa buhay ko, siguro ‘di ko na babalikan ‘yung moment na kinailangan kong magpaalam sa lolo ko.

“Masakit ‘yun, eh. Masakit ‘yung kailangan mong magpaalam at mawalan ng mahal mo sa buhay,”  paliwanag ni Julia.

Ukol naman sa magandang nangyari sa kanyang buhay, naibahagi ni Julia ang pagpasok sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) na ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson ang nag-akay sa kanya para pasukin din ito.

“Alam naman siguro ng lahat na si Ge ay isang miyembro ng Philippine Coast Guard for a couple of years now. So, nakasama ako sa iba niyang nagawang mga charity works sa project niya, sa mga donation drive niya. Madalas ko ring nakakasama siyempre ‘yung Philippine Coast Guard everytime they come up with events and projects like that.

“So they asked me if I was interested in joining, and I thought it was a good idea since sumasama na rin ako. And because I learned as a volunteer. Bilang isang volunteer, makaka-create ka rin ng projects and mga event na makatutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. And that really got me interested,” sambit ng dalaga.

Mapapanood ang Di Na Muli sa Sept. 18 sa TV5. Kasama rin nina Julia, Gumabao, at Gallo sina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Gayundin sina Baron Geisler, Nicole Omillo, Krisha Viaje, Andre Yllana, at Katya Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …