Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd tinuldukan ang tsikang nakipag-meeting sa Dos

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HAYAN natuldukan na rin ang tanong ng karamihan kung saang network na si John Lloyd Cruz dahil kamakailan ay may larawang nag-viral sa social media na kasama ng aktor ang Presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo L. Katigbak at at ang mama ni Rambo Nunez (boyfriend ni Maja Salvador) na si Marilen Nunez ng Arist Crown Management.

Inakala ng marami na nakipag-meeting si JLC kasama ang bago niyang manager kay Sir Carlo para sa pagbabalik nito sa Kapamilya Network, pero hindi pala dahil sa panayam ng TV anchor/journalist na si Karen Davila sa actor, inamin nitong nasa Kapuso Network na siya.

Sa kanyang IG account post ng larawan nila ni Lloydie, “SURPRISE! My first guest for The Karen Davila Podcast this July 29, THURSDAY is multi-awarded actor – JOHN LLOYD

“After a 4 year hiatus, has JLC found what he’s looking for? Sounds like the song right?  How does someone walk away at the peak of his career and have the courage to come back? What goes through the mind of JLC? Has he found true love? Will he ever?

“Please check out the PREMIERE of the #TheKarenDavilaPodcast by @globestudios this Thursday on SPOTIFY, Apple Podcasts & wherever you listen to podcasts! We are there!

“Thank you JLC for your trust @johnlloydcruz83. Salamat sa tiwala!”
 

Sinagot ni Karen ang tanong ng netizen kung saan na ang aktor ngayon, “JLC is now with GMA7.”

Wala pang pormal na anunsyo ang Kapuso Network para kay John Lloyd tulad ng ginawa nila kina Bea Alonzo at Direk Johnny Manahan kaya inaabangan ito ng lahat.

Sabagay naunang makipag-meeting si Lloydie sa mga bigwigs ng GMA 7 at nabalitang may sitcom siyang gagawin na hindi palang alam kung sino-sino ang mga kasama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …