Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Nueva Ecija: 69-anyos lola binaril ng 60-anyos kapatid na lalaking ex-Army

BINAWIAN ng buhay ang isang 69-anyos babae matapos barilin ng kanyang nakababatangt kapatid na lalaki sa gitna ng kanilang pagtatalo nitong Linggo, 18 Hulyo, sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ng mga imbestigador ang bitkimang si Laureda Bermoza, residente sa Brgy. Caanawan, sa nabanggit na lungsod, nakatatandang kapatid ng suspek na kinilalang si Eusebio Tugas, Jr., 60, retiradong miyembro ng Philippine Army.

Ayon sa pulisya, nagtatalo ang magkapatid nang biglang kinuha ng lasing na suspek ang baril sa kanyang bahay saka sunod-sunod na pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan si Bermoza ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala sa San Jose City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45.

Dinakip ang suspek sa ikinasang follow-up operation sa Brgy. San Andres na katabi ng Science City of Muñoz na nakompiskahan ng hinihinalang armas sa pamamaslang.

Haharapin ni Tugas ang kasong murder sa pagpaslang sa nakatatandang kapatid. ###

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …