Saturday , November 16 2024

Utak at bodyguard sa pagpaslang sa NCMH Director at driver arestado

NADAKIP ang sinasabing mastermind at ang kanyang  driver/bodyguard sa pananambang sa director ng National Center for Mental Health Director (NCMH), sa Quezon City noong 27 Hulyo 2020.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/BGen. Antonio C. Yarra ang itinurong mastermind na si Clarita Avila, 65 anyos, dating hepe ng Administrative Support Service ng NCMH, at residente sa Woodland Hills, Brgy. Silangan, San Mateo Rizal.

Kusang-loob na sumuko sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang driver/ bodyguard ni Avila na si George Serrano, 57 anyos, residente sa NCMH Compound, Nueve De Pebreo St., Mauway, Mandaluyong City, kasama ang kaniyang abogadong si Atty. Crystal Prado.

Si Avila ay unang naaresto nitong nakaraang 25 Hunyo, dakong 11:45 am sa kaniyang tahanan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rochelle Santos Manuel, ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 97 nitong nakaraang 23 Hunyo.

Pero hindi pa agad inilabas ng QCPD ang pagkakaaresto kina Avila at sa kanyang driver dahil isinailalim sa masusing imbestigasyon.

Magugunitang pinagbabaril hanggang mapatay ng riding-in-tandem ang director ng NCMH na si Dr. Roland Luyun Cortez, at personal driver niyang si Ernesto Ponce Dela Cruz, noong 27 Hulyo 2020 dakong 7:00 am sa kanto ng Casanova Drive at Tandang Sora Ave., Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa salaysay ng mga nakasaksi, sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek nang katukin ang pintuan ng sasakyan ni Cortez at nang buksan ay doon sila pinagbabaril.

Batay sa ulat, posibleng may kinalaman sa trabaho ang pananambang matapos magpatupad ng mga reporma si Cortez sa NCMH, na nagresulta upang maimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at masampahan ng kaso si Avila.

Lumalabas na si Avila ay sangkot sa katiwalian na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng food catering gayondin sa clothing at medication procurement sa NCMH.

 

Patuloy na pinaghahanap ng QCPD ang isang Sonny Sandicho na sinabing may partisipasyon sa ambush na ikinamatay ng NCMH director at driver nito. (ALMAR DANGUILAN)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *