NADAKIP sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang suspek na matagal nang pinaghahanap ng batas at isang hinihinalang kolektor ng ilegal na sugal sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 30 Hunyo.
Kinilala ang mga suspek na naaresto ng tracker team ng Pandi Municipal Police Station (MPS) at San Miguel Municipal Police Station (MPS) na sina Napoleon Ravena, alyas Poleng, ng Brgy. Cacarong Matanda, Pandi, may kasong Acts of Lasciviousness (RPC ART. 336); at Jay-Ar Ramos ng Brgy. Buga, San Miguel, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.
Gayondin, sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Batia, Bocaue, nadakip dakong 11:30 am kamakalawa ang isa pang suspek na si Exequiel Simon, Jr., alyas Simon, na residente sa nabanggit na barangay.
Naaktohan si alyas Simon na nangongolekta ng taya sa illegal numbers game na E-Z2 o loteng pero hindi nakapagpresinta ng anomang dokumento at ID na magpapatunay na siya ay rehistradong empleyado ng STL.
Nakompiska mula sa suspek ang mga papelitos, ballpen, at bet money na ngayon ay nahaharap sa reklamong kriminal.
Pahayag ni Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, ang pulisya ay hindi bumibitiw sa masigasig na kampanya laban sa ilegal na droga at ilegal na sugal, at walang humpay na nagsisikap upang matunton ang mga taong pinaghahanap ng batas. (MICKA BAUTISTA)