Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No. 2 most wanted sa Malabon, naaresto ng NPD sa Rizal

NAGWAKAS ang pagtatago ng tinaguriang no. 2 most wanted person sa Malabon nang masakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 anyos, residente sa Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa report ni P/Lt. Col. Dimaandal kay NPD Director P/BGen. Jose Hildalgo, Jr., nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa isang lugar sa Baras, Rizal, dahilan upang bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon.

Dakong 10:30 pm, kasama ang NDIT-RIU NCR, RID-NCR, DID-NPD, HPG-NPD at mga tauhan ng Baras Police Station, agad nilang tinungo ang pinagtataguan ng akusado sa Southville 9, Pinugay, Baras Rizal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ayon kay P/Lt. Col. Dimaandal, si Padua, DILG MWP with reward at miyembro ng notoryus na Limos Carnapping Crime Group, ay inaresto sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Hon. Josien N. Rodel, Presiding Judge ng RTC Branch 293 ng Malabon City para sa kasong paglabag sa RA 10833 (The New Anti- Carnapping Law of 2018), walang inirekomendang piyansa; at paglabag sa Article 308 RPC para sa kasong Theft na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng MTC Branch 55. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …