Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P50-M bagong gusali ng City College of Angeles pinondohan ng PAGCOR

NAKATAKDANG umpisahan ang kosntruksiyon ng bagong gusali ng City College of Angeles (CCA), may apat na palapag at 20 silid-aralan bilang donasyon ng Philppine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamahalaang lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga.

Pinangunahan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., at PAGCOR Chairperson & CEO Andrea Domingo, kasama sina 3rd District Congressman Carmelo “Jon” Lazatin ll, Vice Mayor Vicenta Vega – Cabigting, mga miyembro ng City Council, at City Engineer Donato Dizon sa isinagawang groundbreaking ceremony nitong Lunes, 28 Hunyo.

Kabilang sa pangunahing programa ni Mayor Lazatin ang impraestruktura at edukasyon.

“Ang edukasyon po ay mahalaga sa aking ama na si Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin at sa lolo kong si Gobernador Rafael Lazatin, dahil naniniwala po kami na ang edukasyon ay ‘greatest balancer.’ Ang edukasyon po ang makapag-aahon sa mahihirap nating kababayan,” pahayag ni Mayor Lazatin sa kanyang talumpati.

Dagdag niya, “We will remain true to our promise that no Angeleño children will be left behind.” (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …