Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Trillanes Sara Duterte Rodrigo Duterte
Trillanes Sara Duterte Rodrigo Duterte

Isang Duterte pa sa 2022, tiyak ibabasura —Trillanes

GUSTO ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na isang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lumahok sa 2022 presidential derby upang maipakita ng mga Pinoy kung paano sila ibasura sa halalan.

Kompiyansa si Trillanes na magaganap ang pagbasura kapag nagpasya si Davao City Mayor Sara Duterte na maging presidential bet dahil may pruweba na ang iniluklok sa “critical” elections ay mga karapat-dapat na kandidato.

Habang sa isang 1Sambayan Townhall event kamakailan, tiniyak ni Trillanes na ang kanyang Magdalo party ay pananagutin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naganap na “extrajudicial killings, abductions, assassinations, murders, and crimes against humanity” na naganap sa kanyang administrasyon.

“At parurusahan natin ang mga nagkasala,” aniya.

Ang susunod aniyang administrasyon ay dapat kilalanin na nag-abuso ang mga puwersa ng pamahalaan kaya’t dapat silang isailalim sa reorientation upang maiba­lik sa kanilang kaisi­pan ang tungkulin na paglingkuran ang sambayanan.

Ngunit kailangan aniyang imbestigahan ang mga krimeng kinasang­kutan ng mga awtoridad, at ibasura ang Anti-Terror Law na nagtaguri sa mga aktibis­ta at kritiko ng pama­halaan bilang “communists and insurgents.”

“Kailangan din maamyendahan ang Anti-Terror Law para hindi masupil ang legitimate dissent na kailangan sa isang demokrasya. At hindi ito magamit na instrumento para mang-abuso ng karapatang pantao,” dagdag niya.

Dapat aniyang bumalik sa hapag ng negosasyong pang­ka­payapaan sa mga rebeldeng komunista ang susunod na gobyerno dahil hindi solusyong militar ang sagot sa rebelyon.

Bagama’t may mga negatibong karanasan ang gobyerno at militar sa pakikipagnegosasyon sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at sa National Democratic Front (NDF) kailangan aniyang buuin muli ang tiwala ng magkabilang panig upang umusad at magtagumpay ang peace talks.

“Matindi na ang duda sa bawat panig. Ngunit pagpasok ng bagong gobyerno sa 2022, may pagkakataong buuin muli ang tiwala sa isa’t isa, kasi ang tanging tiwala lang ang elemento na magkakabit-kabit ng iba pang elemento para magtagumpay ang peace talks,” dagdag ni Trillanes.

Matatandaan, inialok ni Trillanes ang sarili para maging presidential bet ng 1Sambayan, isang koalisyon ng oposisyon sa 2022 polls, kapag itinuloy ni Vice President Leni Robredo ang Camarines Sur gubernatorial bid.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Im Perfect

Sylvia Sanchez, napa-mura ng ‘PI’ nang nakita ang teaser ng MMFF entry na “I’mPerfect”

TIYAK na babaha ng luha sa mga sinehan sa December 25 sa mga manonood ng …

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …