Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cell Towers sa military camps katangahan — Ex-SC justice (Plano ng Chinese-backed DITO)

TAHASANG sinabi ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na isang katangahan na payagan ang China-backed Dito Telecommunity na magtayo ng cell towers sa loob ng military camps sa gitna ng banta sa pambansang seguridad.

Ayon sa dating SC justice, ang hakbang ay parang pagpayag na rin sa China na maglagay ng ‘listening device’ sa nasasakupan ng Filipinas, at idinagdag na ang East Asian giant ay may kakayahang maglagay ng spy software at applications sa pamamagitan ng towers.

“I think it’s very dumb of us to allow those towers to be installed inside military camps,” sabi ni Carpio sa panayam ng CNN Philippines’ The Source.

“Just imagine, putting a tower inside of the military camp — and the equipment, all those chips on these towers are made in China, they can just put in spy firmware, the software come from China,” paliwanag ng dating SC justice.

Sinabi ni Carpio, ang naturang spy applications ay maaari rin magamit sa ‘eavesdropping’ o pag-record ng pag-uusap ng mga tao kahit naka-off ang mobile phones.

“You ask any security analyst who’s familiar with cybersecurity, and they will tell you, absolutely do not allow towers to be installed in your military camps. Because it’s like allowing China to put a listening device in your conference room… I think it’s a no-brainer,” diin ni Carpio.

Nauna nang kinompirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na lumagda siya sa isang kasunduan na nagpapahintulot sa third telco na magtayo ng cell towers sa loob ng mga kampo ng militar.

Ngunit muling lumutang ang security at privacy concerns kasunod ng anunsiyo kung saan tinukoy ng ilang opisyal at mambabatas ang partnership ng Dito sa Beijing-run China Telecom.

Noong nakaraang taon ay pinayagan din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang third telco player na maglagay ng communications equipment sa mga kampo nito, ngunit hindi ito natuloy makaraang kuwestiyonin ng ilang mambabatas dahil sa security concerns.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …