Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xia, posibleng tanghaling best actress

INAMIN ng batang aktres na si Xia Vigor na masuwerte siya dahil napasama siya sa pelikulang Miracle in Cell No.7 ni Aga Muhlach na entry ngayong 2019 Metro Manila Film Festival handog ng Viva Films.

Ang It’s Showtime ang nakadiskubre kay Xia bilang si Xiamara Sophia Bernardo Vigor. Sa segment na Mini-Me2 ay ginawa niya si Selena Gomez na ipinanalo nito.

Kuwento ni Xia, “I was only five years old hindi po ako ganoon ka-excited sa mga napanalunan ko. Basta in-enjoy ko lang po ang contest dahil gustong-gusto ko po talagang sumali at mag-artista.”

Pero sa katagalan ay nag-e-enjoy na rin si Xia lalo’t maraming programa sa ABS-CBN ang nilabasan niya at mas lalong sumikat pa ang batang aktres sa Your Face Sounds Familiar nang gayahin niya si AXL Rose na nanalo siya sa ikatlong linggo.

Ika-anim na pelikula ni Xia ang Miracle in Cell No. 7.

This is so far my biggest role in a movie na nagawa ko po. I already did six movies at itong ‘Miracle’ po ay pang-anim ko na po.

“I enjoyed doing the movie not only with Tito Aga but with the rest of the cast at si Direk Nuel (Naval). They were all so good and so nice to me po,” pag-amin ni Xia.

Sa Headway School for Giftedness nag-aaral si Xia.

”Ginawa po akong scholar ng school at ini-enjoy ko po ang makasama ang mga kaklase kong special children. Close po ako sa kanila. Some of them are of my age at ‘yung iba naman po ay mas matanda sa akin pero para akong ate-atehan sa kanila.  Nagsi-serve rin po akong parang assistant teacher because they listen to me at isinasama rin po ako sa mga teachers’ meetings.”

Going back to Miracle in Cell No. 7 ay posibleng manalo si Xia bilang Best Child Actress dahil sa napakahusay nitong pagganap sa pelikula at ang kanyang daddy Aga Muhlach naman ang posibleng mag-uwi ng Best Actor award.

Abangan ang Parade of the Stars sa Disyembre 22 na magsisimula sa Taguig City.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …