Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Deliryo ni Joma matindi — Palasyo

NASA matinding deliryo na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison.

Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa pahayag ni Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang numero unong recruiter ng CPP-NPA.

Sinabi ni Sison, dahil sa mga polisiya ni Pangu­long Duterte at sa mga utos niya sa militar na nagdudulot ng ibayong pagkagalit sa mga tao kaya sila nag-aaklas at sumasapi sa komunismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang matagal nang pananatili sa ibang bansa ni Sison ay mas naglalayo sa kaniya sa realidad sa Filipinas.

Hindi na aniya makita ni Sison na ang paglu­luklok  sa poder ng ma­yor­­ya ng mga Filipino kay Duterte ay nagreresulta na ngayon sa mga positibong pagbabago sa pamamahala sa bansa.

Iginiit ni Panelo na patuloy na ginagawa ng pangulo ang kaniyang constitutional duty para pagsilbihan at pro­tek­tahan ang taongbayan laban sa korupsiyon, mga banta ng komunistang grupo, mga kriminal, at terorismo  at mga bigong ideolohiya tulad ng kay Sison.

Ipinamukha rin ni Panelo na si Sison ay nag­pa­pakasarap lamang sa buhay sa ibang bansa habang ang kaniyang mga kasamahan ay patuloy na naghihirap sa bundok sa armadong pakikibaka.

Hindi pa aniya huli ang lahat para magba­gong-buhay ang mga rebelde, bumalik sa kani­lang pamilya at mamu­hay nang normal.

Hangad aniya ng gobyerno ang maayos na buhay para kay Sison, at mabigyan siya ng kapa­ya­paan ng kalooban at kaliwanagan ng pag iisip.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …