Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abu Tratter Robert Bolick Rayray Parks CJ Perez Paul Desiderio Bong Quinto
Abu Tratter Robert Bolick Rayray Parks CJ Perez Paul Desiderio Bong Quinto

48 aplikante, masusubok sa PBA Draft Combine

MAYROONG tsansa ang 48 aplikante ngayon upang patu­nayan ang kanilang kahandaan na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sasailalim sila sa dalawang araw na pagsubok.

Sasalang sila sa mahirap na PBA Draft Combine simula ngayon hanggang bukas na susubukan ang lahat ng kanilang kakayahan bago malaman kung pasado ba silang makasali sa PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila sa Linggo, 16 ng Disyembre.

Ilan sa mga krusyal na pagsubok ang dribbling at shooting test, standing at maximum vertical jump, court sprint, lane agility at iba pang modified event tests.

Aalamin din ang kanilang taas at timbang gayondin ang reach, wingspan, hand-length at hand-width.

Matapos iyon ay hahatiin sa iba’t ibang grupo ang 44 aplikante para sa gaganaping mini-basketball tournament hanggang bukas.

Kinakailangang magpabilib ng mga aplikante dahil ito ang magiging basehan kung makasasabit sila sa pinal na listahang ilalabas ng PBA sa 16 Disyembre.

Pagkakataon din ito upang makuha nila ang atensiyon ng PBA scouts at head coaches na inaasahang pupunta sa Combine upang mag-asinta ng kanilang posibleng prospects.

Inaasahang mangunguna sa mga naturang athletic tests ang projected top three picks na sina CJ Perez, Rayray Parks at Robert Bolick gayondin ang iba pang matunog na first round prospects na sina Abu Tratter, Paul Desiderio, Bong Quinto, Javee Mocon, Michael Calisaan, Trevis Jackson, JP Calvo, Vince Tolentino at Matt Salem. (JOHN BRYAN ULANDAY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …