Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Maine Mendoza ArDub
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Maine Mendoza ArDub

Sylvia sa relasyong Arjo at Maine — Mas nauuna ‘yung social media sa akin

NAGULAT si Sylvia Sanchez nang tanungin siya ni Melai Cantiveros tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza nang mag-guest siya sa Magandang Buhay na umere nitong Lunes, Nobyembre 19.

Hindi kasi inaasahan ng ina ng aktor na ito kaagad ang tatanungin sa kanya kaya tila napamura siya pero nakatawa naman.

Ang sagot ng aktres, “Nakikita ko siyempre ‘yung mga litrato. Nababalitaan ko. Mas nauuna ‘yung social media sa ‘kin. Tinatanong ko si Arjo, nginingitian lang ako. Walang usapang ganoon sa bahay.

“Basta ako, kung ano ‘yung gusto niya, kung ano ‘yung ayaw niyang sabihin sa amin, sirekto niya, respeto. So, kung anuman ‘yung ginagawa ng anak ko, buhay niya ‘yan, eh.”

Sundot na tanong ni Jolina Magdangal ay kung masaya si Arjo.

”Masaya ang anak ko, at ‘yun ang importante sa akin bilang ina,” nakangiting sabi ni Ibyang.

Iyon naman talaga ang importante sa magulang basta’t nakikita nilang masaya ang kanilang mga anak ay masaya rin sila at hindi nila nakikitaan ng problema.

Speaking of Arjo, hindi rin namin mahagilap ang aktor dahil abala siya sa shooting ng pelikula nila ni Jessy Mendiola sa Regal Films.

Going back to Ibyang ay sa 2019 na siya balik-tapings at shootings dahil gusto niyang magpahinga muna hanggang matapos ang 2018 at pagsilbihan ang pamilya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Joshua & Bimby, dahilan ng pagiging better person ni Kris

Joshua & Bimby, dahilan ng pagiging better person ni Kris

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …