Friday , November 22 2024

Shabu: The root of all evils

NAKAPANGINGILABOT ang ibinunyag na drug matrix ng Pa­ngulo.

Mantakin ninyong leader ng isang malaking sindikato ng droga ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga miyembro niyang anim na pulis at anti-drug officials?!

Kaya msasabi talaga nating “shabu” is the root of all evils.

Nasisilaw sa laki ng ‘kuwartang’ iniaakyat ng shabu ang mga opisyal ng pamahalaan gaya ng isinasaad sa drug matrix  na si Director Ismael Gonzales Fajardo, deputy director general for administration ng PDEA.

Kilalang-kilala umano si Fajardo sa drug community bilang scorer at recycler ng ilegal na droga at gumaga­wa ng mga kuwento tungkol sa kanilang mga illegal drug operation.

Kung matatandaan, si Fajardo ay sinibak sa puwesto ni PDEA Director General Aaron Aquino nitong 14 Setyembre, dalawang araw makaraan ang isinumiteng drug matrix kay Pangulong  Duterte.

Miyembro ni Fajardo sina S/Supt. Eduardo Paderon Acierto, dating PNP anti-narcotics stalwart, at tuma­yong officer-in-charge ng nabu­wag na PNP-AIDG na ang ilang tauhan ay sangkot sa pagpatay sa Korean national na si Jee Jick Joo sa loob mismo ng Kampo Crame.

Hindi siya nakasuhan noon alinsunod sa prinsipyo ng command responsibility matapos ipalusaw ni Duterte ang unit dahil sa nasabing insidente.

Kabilang din sa mga miyembro ni Fajardo sina S/Supt. Leonardo Ramos Suan, Supt. Lorenzo Cusay Bacia, Insp. Lito Torres Pirote, Insp. Conrado Hernandez Caragdag, at SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag.

Batay sa matrix, si Fajardo ang nagtahi ng mga istorya sa likod ng isinagawa nilang drug operations sa iba’t  ibang bahagi ng bansa.

Kabilang ang kaso nang pagdawit kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino nang paratangan nag-o-operate ng shabu lab sa Celadon Residence noong Enero 2016.

Ilan sa drug related raids na umano’y tinahi-tahi ni Fajardo at kaniyang grupo ang Valenzuela case, na dalawang Filipino-Chinese nationals ang inaresto dahil sa umano’y nasamsam sa kanila na mahigit 35 kilo ng shabu.

Pero lumalabas sa imbestigasyon na hindi pala nahuli ang dalawang Chinoy sa isang vehicle interdiction operation kundi dinukot sila ng grupo ni Fajardo sa isang warehouse sa Valen­zuela at pinaamin na sa kanila ang nakom­pis­kang ilegal na droga.

Nabatid din sa imbestigasyon na mahigit 55 packs ng shabu, katumbas ng 55 kilos ang ginamit na kontra­bando laban sa hinuling mga suspek umano ngunit nabatid na kinupit nila ang iba at pinalabas na 36 packs lamang ang nakuha.

Sa kasalukuyan, nag-utos na ng imbes­tigasyon at lifestyle check sa mga opisyal ng PDEA at PNP na nasa drug matrix.

Sa pinakahuling balita, sina Fajardo at Acierto ay iniugnay rin sa nawawalang P6.8-B shabu sa magnetic filters sa warehouse sa Cavite, base sa Congressional hearing kama­kailan.

Si Acierto rin ang nadawit noong 2014 sa nawawa­lang 900 high-powered firearms sa PNP.

Sana lang ay siguradong wala nang remnant na naiwan sina Fajardo sa loob ng law enforce­ment units sa bansa, dahil kung hindi tiyak na patuloy silang mamayagpag.

Kung maaaprobahan ang death penalty, palagay natin, ang mga katulad ni Fajardo ang dapat na unang patawan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *