Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jason Aquino NFA rice National Food Authority
Jason Aquino NFA rice National Food Authority

Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

TINANGGAP ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino.

Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino.

“Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Pagod na umano si Aquino na mga akusas­yon at paninisi sa kanya na salarin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

“He says he is tired and he cannot cope up with the laro diyan sa… inside which is always an ordinary happening,” ani Duterte.

Giit ng Pangulo, ang tanging paraan upang matigil ang pagtaas ng presyo ng bigas ay mag-angkat ng mas maraming bigas.

“The only way is to import more, mag-buffer ako,” aniya.

Naniniwala si Pangu­long Duterte na artipisyal ang rice shortage at manipulasyon lamang ito ng ilang “players.”

Tiniyak ng Pangulo na gagawin ng kanyang economic managers ang lahat ng paraan upang masolusyonan ang problema sa inflation.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …