Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Formalin sa Galunggong kinompirma ng DA

INIHAYAG ng health department at fisheries bureau na minamatyagan nila ang inaangkat na galunggong o round scad dahil sa ulat na nilagyan ito ng nakalalasong kemikal na formalin.

Nitong nakaraang ling­go, inaprobahan ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang im­portasyon ng hanggang 17 metriko toneladang galunggong mula 1 Set­yembre hanggang 31 Disyembe para mapata­tag ang presyo nito bago ang pagtatapos ng fishing season.

Ilang bansa katulad ng China, gayonman, ang sinasabing gumagamit ng formalin para mapana­tiling sariwa ang nahuhuli nilang mga isda, ayon sa grupo ng mga mangi­ngisdang Pambansang Lakas ng Kilusang Mama­malakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Ang paggamit ng formalin sa isda o gulay ay labag sa local Food Safety Act, ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Eduardo Gongona.

“Umiikot po ang aming tao d’yan at tsene-check po ang ating mga palengke ngayon kung mayroon ngang chemicals na inilagay doon sa isda,” ayon kay Gongona.

Sinabi ni Health Under­­secretary Eric Domingo, ang DOH ay tumutulong sa BFAR sa pagsusuri sa mga isdang napaulat na nilagyan ng formalin, na maaaring magdulot ng cancer.

Ang isdang may for­ma­lin ay kadalasang ma­tigas, hindi dinada­puan ng langaw at mahirap tanggalin ang kaliskis, ayon kay Domingo.

Tinaguriang “poor man’s fish” ang galung­gong ay kasalukuyang ibinebenta sa presyong P140 per kilo.

Susuriin ng Pama­la­kaya ang imported ga­lung­gong na darating sa Navotas Fish Port sa 1 Setyembre, ayon sa ka­nilang chairman na si Fernando Hicap.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …