Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Traffic enforcer, naputulan ng paa sa banggaan ng bus at AUV

MINALAS na naputulan ng paa ang isang traffic enforcer nang madamay sa salpukan ng pampa­saherong bus at ng AUV sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ang bikti­mang si Emmanuel Aba­che, traffic enforcer ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng lungsod.

Ayon kay Dexter Cardenas, hepe ng Traffic Operations Division, galing ang bus sa Farmers Tuazon habang mula sa Sta. Mesa ang AUV nang mabangga ng bus ang pribadong sasakyan kaya ito pumihit at sinalpok si Abache.

“Nabangga ng bus ‘yung Innova. ‘Yung Innova tumama din kay traffic enforcer Abache na naputol ‘yung kaniyang paa instantly,” ayon kay Cardenas.

Aniya, naipit ng leftside portion ng Innova ang paa ng traffic enfor­cer.

Sa ngayon, under observation ang biktima sa Quezon City General Hospital habang sinu­subukan ng mga doktor na isalba ang kaniyang paa. Nakatakda siyang isailalim sa MRI.

Samantala, nagpa­alala ang mga awtoridad na sumunod sa mga alagad ng batas at sundin ang mga batas-trapiko upang maiwasan ang ganitong insidente.

“Sana respetohin po natin ‘yung ating mga traffic enforcer, give courtesy to ating mga kapwa driver. Always follow traffic rules and regulations,” sabi ni Cardenas.

Handang tumulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa imbes­tigasyon ng insidente.

“Ang tanging maga­gawa natin dito siguro mama-maximize natin ‘yung kuha sa MMDA metrobase. ‘Yun lang ho ‘yung kaya nating ibigay,” sabi ni MMDA spokes­person Celine Pialago.

Sumuko ang driver ng bus habang hinahanap ang driver ng AUV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …