Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Day After Valentine’s, level-up performance ni JC Santos

READ: Aitakatta – Gustong Makita single ng MNL48, umarangkada na

GUSTO kong pumunta ng Hawaii, bukas na bukas din. Ito ang nasabi namin habang pinanonood ang The Day After Valentine’s na handog ng Viva Entertainment para sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino at pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos.

Napakagagandang lugar ang ipinakita sa pelikula na kinunan sa maliit na isla ng Lanai, Hawaii na kilala rin bilang Pineapple island. Hindi iyon mga simpleng lugar na pangkaraniwang nakikita sa tuwing itatampok ang Hawaii. Ipinakita rito ang pagkaganda-gandang Shipwreck Beach at iba pang lugar na tiyak na hahanga rin kayo.

Muli, nagtagumpay si Direk Jason Paul Laxamana na pakiligin ang mga manonood sa pelikula niyang ito after ng 100 Tula Para Kay Stella na siya ring nagdirehe at pinagbidahan din nina Bela at JC.

Tama ang tinuran ni Direk Jason na level-up ito ng 100 Tula Para Kay Stella in terms of pain at performance nina Bela at JC. Ang galing-galing ni JC. Nagtagumpay siya na maipakita ang kahinaan at pagkadurog ni Kai.

Ang istorya ay ukol sa ‘di sinasadyang pagkakaibigan o pagiging close nina Stella at JC nang biglang pumasok sa tindahan ng second hand na damit ang actor para maghanap ng arm sock. Gagamitin iyon ng actor para takpan ang mga peklat na sanhi ng pananakit niya sa sarili.

Si Lani (karakter ni Bela) ang humulma o nag-repair sa pusong durog ni Kai (JC). Dahil sa pagiging strong ng personalidad ni Lani, nahulog ang loob ni Kai. Subalit may itinatagong kahinaan din pala si Lani, durog na durog din pala ito at may malaki ring problema sa pamilya.

Samantala, puring-puri rin ni Laxamana ang kanyang mga bida sa pelikula. Aniya nga, “Hindi na ako nagdirehe, parang salang na lang.”

Mapapanood na ang The Day After Valentine’s sa mga sinehan simula sa araw na it

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …