Saturday , July 27 2024

Aitakatta – Gustong Makita single ng MNL48, umarangkada na

READ: The Day After Valentine’s, level-up performance ni JC Santos

HINDI napigil ng malakas na ulan at baha ang album launching ng all-female group na MNL48 noong Biyernes na ginawa sa bagong-bagong Movie Stars Café sa Centris EDSA, Quezon City.

Ang MNL48 ang kauna-unahang Filipina idol group na nabuo sa isang reality talent search sa It’s Showtime na itinanghal na “queen” si Shekinah Arzaga. Ang grupo ang counterpart ng sikat na sikat na AKB48 ng Japan bukod pa sa mga grupong binuo sa Thailand, Indonesia, at Taiwan sa ilalim ng Hallohallo Entertainment.

Mala-Hollywood ang nangyaring launching na ipinarinig ng grupo ang kanilang debut single under Star Music, ang Aitakatta – Gustong Makita na local version ng big hit na Aitakatta ng AKB48.

Magiging bahagi ang Aitakatta – Gustong Makita ng debut album ng MNL48 na ipinrodyus ng Star Music. Binubuo na ang album na  iri-release sa 2019. Bukod dito, nagpatikim din ang grupo ng sneak peek sa soon-to-be released music video ng Aitakatta.

Kinunan ang music video sa ilang lugar sa Intramuros, Manila at sa Manila Bay para ipagmalaki na rin sa iba’t ibang panig ng mundo ang local historical places ng Maynila.

Anang isa sa grupo ng MNL:48, “It was inspired by the original music video of AKB48’s ‘Aitakatta – Gustong Makita, para ibandera sa mga Pinoy kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging ‘idol’.”

Bukod sa Aitakatta – Gustong Makita ng MNL48, makakasama rin sa debut album nila ang Sakura no Hanabiratachi – Talulot ng Sakura at  Skirt Hirari – Umiindak na Saya, at may bonus pang instrumental versions ng tatlong kanta.

Para sa lahat ng fans ng grupo, tumutok lang sa kanilang live daily online show, ang MNLife at MNLife, sa MNL48’s official Facebook page (@mnl48official) at YouTube Channel (MNL48), tuwing 6:00 p.m.. Host dito ang Hashtag members na sina Luke Conde, Maru Delgado, Nikko Natividad, at Zeus Collins. Napapanood ang MNLife tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes at tuwing Martes, Huwebes, at Sabado naman ang MNLaugh.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *