Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak

READ: Joshua, natatameme kay Alice, aminadong crush ang aktres
READ: Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun
READ: Joey, priority ang 14 na anak

NASUGATAN pala si Liza Soberano sa isang fight scene na ginawa sa kanilang epic seryeng Bagani na magtatapos na sa Biyernes at napapanood sa ABS-CBN.

Sa finale presscon ng Bagani, ipinaliwanag ni Liza kung paano siya nasugatan.

“Noong Miyerkoles,” medyo nangingiting tugon ni Liza. “Kasi when we were doing the scene. I guess, we we’re really feeling it and medyo nagmamadali lang din kami dahil umuulan.

“We had the need to get the shot because it’s starting to rain. We weren’t able to practice the scene before we took it. And in the middle of the scenes, the emotions took over.

“Accident happened and natamaan ng sword ang daliri ko. It got fractured but it’s fine now,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, ngayong linggo masusubok ang paninindigan at ipinaglalaban ng mga Bagani sa patuloy nilang paglaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak sa huling linggo ng Bagani.

Sa pagtatapok ng Bagani, hindi pa rin ito nagpapatalo kung rating ang pag-uusapan. Mula umpisa hanggang sa pagtatapos, sinusubaybayan ng mga manonood ang Bagani sa primetime at nagkamit ng all-time high national TV rating na 36.2% noong Abril 17, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi lang sa ratings nananalo ang Bagani, dahil gabi-gabi rin itong pinag-uusapan at nagte-trend ang mga opisyal na hashtag ng episode sa Twitter. Ito rin ang ikalawang pinakapinag-usapang teleserye sa bansa sa unang anim na buwan ng 2018, ayon sa Twitter Entertainment Index, ang listahan ng mga pinakapinag-uusapang paksa sa naturang social networking site.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …