Sunday , April 20 2025

Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun

READ: Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak
READ: Joshua, natatameme kay Alice, aminadong crush ang aktres
READ: Joey, priority ang 14 na anak

INIHAYAG ni Direk Perci Intalan na passion project ni Direk Jun Robles Lana ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi na pinagbibidahan nina Sue Ramirez, Markus Paterson, at Jameson Blake. Isa ito sa walong entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na mapapanood na sa Agosto 15 hanggang 21.

“Social commentary pa rin (ang pelikula) pero in a very lighten entertainment way,” paunang paliwanag ni Intalan. ”So, like all projects we wanted to develop it and we agreed we wanted to do in our own way.

“’Yung talagang kumbaga, location shoot, magagandang location, magagaling na artista. So I said, sige hanap tayo to fund this. We created a trailer. At ito ‘yung trailer na nag-viral last year,” kuwento ni Intalan.

Sinabi pa ni Direk Perci na trailer pa lang ang ginawa nila noon na ginawa nila sa loob ng dalawang araw. ”Pero wala pang pelikula. And we’re very fortunate na noong ia-upload ko na ‘yung trailer mayroon akong ka-meeting that day at naikuwento ko na mayroon kaming bagong project.

“And when they saw it, they immediately said na sila na ang tutulong. At doon nakahanap ng magpa-fund sa proyektong ito at marami pa kaming proyektong gagawin sa kanila.

“They really believe in creating content that is good. Hindi sila nakatingin sa formula, o kikita, basta ang importante maganda ang project at they really believe in it,” esplika pa ni Intalan na ang tinutukoy ay ang Cignal Entertainment.

Hindi naman napigilang ilahad ni Direk Jun ang paghanga kay Sue na nood pa niya gustong makatrabaho.

“I really wanted to work with Sue. May ini-line produce kaming project, ang ‘The Debutantes’ sa Regal Entertainment and hindi ko pa napapanood ang movie noon. Si Direk Prime (Cruz) ipinakita na sa akin ang movie mga ilang seconds lang iyon and I really saw kung gaano kagaling ang batang ito.

“And from then on, I really want to work with this girl. Ipinursue na namin ang mga schedule ng mga batang ito.”

Ang Babaeng Allergic sa WiFi ay handog ng The IdeaFirst Company at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …

Encantadia Chronicles Sanggre

Kakaibang special effects at cinematography ng Encantadia Chronicles, kapansin-pansin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TEASER ng Encantadia umabot ng 18M views in less than 24 hours. Bagong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *