Friday , October 22 2021
Kokoy de Santos Elijah Canlas Gameboys The Movie
Kokoy de Santos Elijah Canlas Gameboys The Movie

Gameboys: The Movie ipalalabas sa mga sinehan sa Japan

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG lakas ng dating talaga ng tambalang Kokoy de Santos at Elijah Canlas dahil hiyawan to the max ang mga nakasabay naming nanood ng special screening ng Gameboys:  The Movie kamakailan.

Nagsimula ang Gameboys series sa YT sa panahon ng pandemya at ito ang naisip ng producer/director na sina Perci M. Intalan at Jun Robles Lana ng IdeaFirst Company na gumawa ng online series para may ibang pagkaabalahan ang mga nababagot na at hindi makalabas ng bahay dahil sa lockdown.

Hindi naman inaasahan ng IdeaFirst Company producers na tatangkilikin ito at umabot na sa milyones ang views kaya humirit ng Season 2 ang instant fans ng Gameboys na pinabigyan naman nina direk Perci at direk Jun pero gumawa rin sila ng ‘the movie’ at sakto, sold out ulit ang 1st screening nitong Hulyo 30.

At mapapanood ang Gameboys sa ibang bansa at hindi naman nabigo ang IdeaFirst Company at Octobertrain Films dahil nakakuha sila ng co-producer, ang Japan-based companies na 108JAPAN Co., Ltd.; Aeon Entertainment Co., Ltd.; at Hakuhodo DY music & pictures Inc at ipalalabas ang Gameboys: The Movie sa mga sinehan sa Japan.

Sabi ni PMI (tawag kay direk Perci), ”Baka end of the year pa ang theatrical distribution ng ‘Gameboys: The Movie sa Japan.’ Matagal ang preparation nila sa releases nila, eh.”

Sa digital series ng Gameboys, kinikilig ang mga nakapanood sa mga pa-cute at lambingan nina Cairo (Elijah) at Gavreel (Kokoy) na kunwari hahalikan nila ang isa’t isa at marami ang nabitin dito.

Kaya naman sa ‘the movie’ ay itinodo na ni Direk Ivan Andrew Payawal ang gusto ng manonood, may kissing scene sina Kokoy at Elijah as in lips to lips as in maraming-maraming beses.

Wala namang violent reaction o mapapa’eww’ sa kissing scene ng dalawa dahil ang cute at sobrang ganda ng pagkakagawa, walang nabastos sa dalawa kaya nga tinanong kaagad sina Kokoy at Elijah sa virtual mediacon pagkatapos ng screening kung posibleng maramdaman na nila iyon sa totoong buhay.

Natawa ang dalawang aktor at expected nilang itatanong iyon. ”Sobrang comfortable po kami talaga sa isa’t isa kaya ganoon ang resulta, walang awkwardness at trabaho lang po talaga,” sabi ni Elijah.

Maging si Kokoy ay ganito rin ang sagot pero mas pilyo ang binata dahil tinutukso pa rin niyang, ‘baby ko po talaga siya (Elijah). Kahit po nasaan kami baby ang tawagan namin kahit off cam.”

Hindi ba nahirapang i-execute ng dalawa ang kissing scene at love scene?  Yes pinakitang gumamit pa sila ng condom with matching facial expression na pati viewers ay napa­nganga.

Sabi kaagad ni Elijan kay Kokoy, ” Baby?”

“Ako pa ang tina­nong mo? Iyong mga ganyang eksena, game na game ako riyan! Gusto ko iyan!” tumawang sagot ng aktor.

Ayon kay Elijah, ”Ako rin po, game na game! Every time na nagka-cut, nakahubad na lang kami roon ni Kokoy, nakaupo lang kami. ‘Game na ba? Game na ba? Ready na ba ang next set-up?’”

At si Kokoy, ”Siyempre, si Direk Ivan iyan, kumbaga, kaya siguro ganoon kami kakomportable, bukod pa sa si Elijah ang kaeksena ko.”

Pasok din sa movie sina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto.Mapapanood ang Gameboys:  The Movie sa KTX at Ticket2Me.

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Ron Angeles

Ron Angeles may experience na nga ba sa bading?

MATABILni John Fontanilla MATAPANG na inamin ni Ron Angeles sa kanyang latest vlog sa  Youtube Channel na may …

Andrea Torres

Andrea nakikipag-date na

Rated Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay last year, kinompirma ni Andrea Torres na nakikipag-date …

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco

Jennica no comment sa posibilidad na pagbabalikan nila ni Alwyn

Rated Rni Rommel Gonzales ANIM na buwan  ng hiwalay at patuloy na inaayos nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco ang …

Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Pasabog ni Aljur laban kay Kylie nag-boomerang

FACT SHEETni Reggee Bonoan ILANG buwang nag-ipon ng lakas si Aljur Abrenica bago nito isapubliko kung ano …

Leave a Reply