Friday , November 22 2024

Rep. Suarez patunayang tunay na lider ng minorya

HINAMON ni Majority Leader Rolando Andaya Jr., si Minority Leader Danilo Suarez na patu­nayan ang kanyang pagka-minority leader.

Ani Andaya, ang pa­mu­muno sa minorya ay hindi sa pangalan lamang.

Si Suarez aniya ang bahalang magpa­sinu­ngaling sa mga nagdu­duda sa kanya.

“Minority leadership is not just a matter of title, but of work, something that must be affirmed on the floor and in com­mittee rooms daily (Ang pamumuno sa minorya ay hindi lamang patung­kol sa titulo, kundi tung­kol sa trabaho, isang bagay na dapat patuna­yan sa plenaryo at sa araw-araw na pagdinig sa mga komite),” hamon ni Andaya.

Sa kabila nito, sinabi ni Andaya na magbe­benepisyo ang Kamara sa presensiya ng maraming grupo ng oposisyon.

“House benefits from many opposition, it suf­fers when there is none (Nagbebenepisyo ang Kamara sa mga opo­sisyon, magdudusa ka­pag wala nito),” dagdag ni Andaya.

Pinapahalagahan, aniya, ng liderato ng Kamara ang importansiya na ginagampanan ng oposisyon.

Bukod sa grupo ni Suarez, nandiyan ang grupo ni Rep. Miro Quim­bo ng Marikina na may kasaping 26 mambabatas mula sa Liberal Party, sa grupo ng Makabayan at Magdalo.

Nariyan din ang grupo ni Rep. Eugene de Vera at ni dating Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Ani Andaya, isang benepisyo ng pagkaka­roon ng maraming opo­sisyon ang magkakaibang panukala na magmu­mula sa tatlong grupo na wala sa mayorya.

Dapat aniyang ibalik sa Kamara ang “healthy policy debates” na hindi naman nakaaabala sa kalendaryo ng Kamara para gampanan ang man­dato nitong magha­ngo ng batas para sa pu­bliko.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *