Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billboard ‘pinatumba’ ng PNP chopper

TATLO katao ang sugatan makaraan patumbahin ng bagong chopper ng Philippine National Police ang LED billboard habang lumilipad nang malapit sa pagdiriwang ng PNP Service Anniversary sa Camp Crame, noong Miyerkoles.

Ayon sa tala ng PNP General Hospital, isang  police non-com­mis­sioned officer ang tina­maan sa ulo ng tent pole habang dalawang non-uniformed personnel ang nagalusan, ang isa ay sa ulo at ang isa ay sa tuhod.

Ani PNP spokes­person, S/Supt. Bong Durana, Jr., ang bagong bell choppers ay nara­rapat na lumipad nang mabilis, ngunit tinangka ng piloto na ilapag ito dahilan upang sumabit sa tent poles na nagresulta sa pagkatumba ng LED billboard.

Sinabi ng PNP, posi­bleng gumastos ng P3 milyon para sa pagku­kumpuni sa napinsalang LED panels. Ang PNP Headquarters Support Service ay nakikipag­negosasyon na sa may-ari ng napinsalang LED.

Ang bagong Bell 429 chopper ay binili ng PNP noong Marso.

Ayon sa PNP, bibili pa sila ng karagdagang apat na chopper mula sa Air­bus Industrie ng France sa mga susunod na bu­wan.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …