Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Payo ng ina ni Kiko sa usaping sex: ikandado mo ‘yang zipper mo

ANG terminong Walwal ay pinauso ng millennials na mahilig gumimik kasama ang mga barkada na naging bukambibig na rin pati ng mga kabilang sa Generation X.

Dati-rati kapag may lakad ang barkada ang parating sinasabi, ”tara, gimik tayo”, ngayon ay, “tara walwal tayo.’

At dahil sa salitang ‘walwal’ nagka-idea ang 19 taong gulang na writer na si Gerald Mark Foliente, paboritong estudyante ni Direk Jose Javier Reyes noon sa College of St. Benilde.

Ayon sa nagsulat, marami ang ibig sabihin ng ‘walwal’ dahil tumatalakay ito sa relasyon at sensibilidad ng kasalukuyang henerasyon.

Ang mga bida ng Walwal ay sina Elmo Magalona sa karakter na Dondi, isang prim and proper good son na nabubuhay upang paligayahin ang mga tao sa kanyang paligid; si Jerome Ponce si Intoy, good natured athlete na hinahanap kung sino ang tunay niyang ama; si Kiko Estrada si Marco, isang heartthrob at heartbreaker, at si Donny Pangilinan si Bobby na pangarap maging direktor at happy go lucky guy at funnyman sa apat. Ang leading ladies naman nang apat ay sina Kisses Delavin (Ruby), Devon Seron (Trina), Jane De Leon (Carla), at Sofia Senoron (Shelby).

Natanong ang mga bidang lalaki kung ano ang payo sa kanila ng magulang nila pagdating sa sex dahil hindi naman maiiwasan na posible silang makabuntis sa edad nila.

Si Kiko ang unang sumagot, ”since my mom got pregnant early ang sabi niya sa akin, ikandado mo ‘yang zipper mo.”

Si Jerome naman, ”si papa ano kasi, wala siyang advice pagdating sa ganyan. Ako naman kasi hindi ko naman kailangan at hindi rin naman ako nagtanong kasi hindi ko pinapasok ang mga ganyang bagay. When it comes, it comes pero, siyempre safety first. Napag-aaralan naman ‘yan sa school.”

“Actually, nandito po ‘yung mommy ko so, I think the way they brought me up hindi na kailangan silang tanungin about that, I think parang nandoon na sa family namin (napag-uusapan na),” pahayag naman ni Donny na labis ding nagpasalamat dahil naging direktor niya si Reyes na naging direktor din ng mama niyang si Maricel Laxa-Pangilinan sa mga pelikulang Ikaw Ang lahat Sa akin at Iisa Pa Lamang.

“Before po nagpupunta ako sa set ng mommy ko sa movie with direk Joey and we don’t know that we end up here, so thank you so much mom for being here today.”

Sabi naman ni Elmo, ”I think it’s the same way din. My parents naman kasi hindi nila ginawang serious talk, parang casual lang na dumating kami sa point ng age namin and when we reach the age na 18, sinabi lang na what to do para maging responsible kami.”

Mukha namang maiingat ang mga binatang Walwal dahil alam nila kung ano ang mga prioridad nila at higit sa lahat, hindi sila nagwawalwal sa buhay nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …