Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Luna Sangre, 3 linggo na lang

NAKALULUNGKOT, tatlong linggo na lang pala eere ang La Luna Sangre, parang ang bilis-bilis naman yatang matapos ng fantaseryeng ito? Hindi namin naramdaman na umabot na pala ng nine months?

Kasi naman ngayon lang nag-iinit na sina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo) bilang bampira at lobo na parehong mahal nila ang isa’t isa.

Base sa umeereng kuwento ay hindi masama si Tristan (Daniel) dahil kinakalaban niya ang kuya Sandrino (Richard Gutierrez) niya na gustong patayin ang lahat ng tao para silang mga bampira lang ang maghari sa bansa.

Kaya ang inaabangang mangyayari ay kung paano maglalaban sina Sandrino at Tristan dahil nalaman ng una na inilalaglag siya dahil sa daldalerang si Denise Laurel bilang itim na lobo na gusto ring magreyna-reynahan kaso hindi siya umubra kay Malia bilang Punong Bantay.

Nakahihinayang na namatay na rin si Garrie Concepcion na isa sa matapat na kakampi ni Malia dahil sa ka-trayduran ni Denise. Masaya kami sa anak ni Grace Ibuna kay Gabby Concepcion dahil nagsimula siya sa ibaba na noong una ay wala siyang linya sa LLS hanggang sa napansin na rin siya at binigyan na ng mahahabang dayalog at exposures.

Gusto namin ang dalagang ito dahil napakabait at napaka-humble, sana bigyan ulit siya ng project ng Star Creatives dahil mahusay makisama at natutuhan din niya ang tamang pag-arte.

Going back to Tristan at Malia, curious ang lahat kung paano sila magkaka-ayos sa huli o magkakatulungan ba silang kalabanin si Sandrino o isa sa kanila ang mamamatay tulad ng nangyari sa lolo’lola ng dalagang sina Lyka (Angel Locsin) at Noah (Piolo Pascual) sa Lobo at magulang na sina Lia (Angel) at Mateo (John Lloyd Cruz) sa Imortal.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …