Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grupong Vendetta ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tinutugis na sina Eddie, JohN, Jhong at Joko

 

Ngayong nakatakas na sa kamay ng mga kalabang nagpadukot sa kanya na sina Don Emilio (Eddie Garcia) at Sen. Mateo de Silva (Joko Diaz), nagtayo ng grupo si Cardo Dalisay (Coco Martin) kasama ang sanggang-dikit na pinuno ng Pulang Araw na si Leon (Lito Lapid) gayondin si Anton (Mark Lapid), Ramil (Michael de Mesa), Sancho Vito at iba pa na tinawag ni Cardo na Vendetta.

At hindi lang sila palaban kundi wawalisin din nila ang ilegal na negosyong droga ng mga drug lord na sina Don Emilio at Sen. De Silva na namumuro na kay Cardo. At dahil kabadong-kabado at naaalarma na baka maunahan sila ni Cardo, para lumantad ay kanilang ipakikidnap ang misis na si Alyana (Yassi Pressman).

Yes napuno na ang salop kaya’t kakalusin na ng Vendetta ang mga salot, kawatan at traidor sa bayan na sina General Renato Hipolito (John Arcilla) na patuloy ang ginagawang panlilinlang sa publiko at tumatakbo pang senador tulad ni De Silva.

Target din ng grupo ang ahas sa Pulang Araw na si Alakdan (Jhong Hilario) at mga kasamahan nito na nagpapakasasa at nagpapakasarap sa pera ng bayan na kinukurakot ng kontak nilang si Hipolito.

Wala nang atrasan, patay kung patay makamit lang ni Cardo ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak na si Ricky Boy.

Patuloy na napapanood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida na nananatiling numero unong programa sa buong bansa sa latest rating na 45.9%

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …