Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Ang tama at mali

I love those who can smile in trouble, who can gather strength from distress, and grow brave by reflection. ‘Tis the business of little minds to shrink, but they whose heart is firm, and whose conscience approves their conduct, will pursue their principles unto death.

— Leonardo da Vinci

ANG mga politiko ay masasabing katulad din ng mga manliligaw na talagang lahat ay ginagawa para mapabilib ang kanilang nililigawan. Dangan nga lang ay mahirap alamin kung sino sa kanila ang nagsasabi at may layuning totoo para pag-isipan ang dapat na gagawin na makabubuti sa kanilang napupusuang babae.

Gayon man, kung mahirap hanapin ang totoong politiko (o manliligaw) na may tunay na hangaring mabuti, mahirap din namang alamin ng mga nanliligaw kung ang kanilang napusuang babae ay siyang nararapat nilang ligawan para naising maging kabiyak sa kalaunan.

Sa ganang amin, mahalagang malaman ang mga kadahilanan sa bawat ginagawa ng isang tao dahil dito malalaman kung siya ba’y totoo o hindi. Kung alam niyang mali ang binabalak, dapat bang ituloy pa niya ito? At kung alam niyang makasasama sa iba at makasisira sa kanyang sarili ang gagawin, dapat pa bang ituloy?

Sa inyong opinyon, si Pangulong DUTERTE ba’y nagbiro (o hindi nagsabi nang totoo) noong nangangampanya pa siya na nais niyang wakasan ang kriminalidad, karahasan at ilegal na droga sa ating bansa?

At kahit ngayong pangulo na siya ay ito pa rin ang kanyang prayoridad sa pagiging punong ehekutibo kaya mali po ba ito?

Nagtatanong lang po…

Galit na naman ang Pangulo

Nag-init na naman si Pangulong RODRIGO DUTERTE matapos kondenahin ng European Union (EU) ang extrajudicial killings na nagaganap sa bansa  kaugnay ng matinding  kampanya laban sa ilegal na droga.

Binatikos ni Pangulong DUTERTE ang EU at ang Amerika na kaalitan sa kanyang administrasyon, ayon sa Pangulo ipokrita ang Amerika sa usapin ng pang-aabuso sa human rights. Sabi pa ng Pangulo ang EU partikular ang France at Britain na kaalyado ng Amerika ay may kinalaman sa pag-atake sa Iran at ilang bansa sa Middle East na pumatay sa maraming tao.

Kung sabagay may punto talaga rito ang Pangulo. Ito ay problemang panloob ng bansa at tayo ay nasa demokratikong panahon. Bakit kinakailangan makigulo ang mga dayuhang bansa gayong may sarili tayong batas at pamahalaan? Gayong ang Filipinas ay hindi naman nakikialam sa suliranin ng mga nasabing bansa. Wala silang ideya kung gaano kahirap puksain ang pagkalat ng  ilegal na droga sa bansa. Sabi na rin ng Pangulo ang mga namamatay ay may mga kinalaman at sangkot sa ilegal na droga at hindi mga inosenteng mamamayan na nagiging biktima ng karahasan dahil dito. Sa dami ng bansang may mga problema sa human rights, Filipinas lang ba ang kaya nilang panghimasukan? Para saan pa ang pagtatag natin ng pamahalaan kung may mga bansang nakikigulo sa suliraning panloob ng ating bayan? — Ann Klein Flores ng Bataan ([email protected],  Setyembre 21, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *