Sunday , December 22 2024

Dirty money sa kampanya ni De Lima (Baka galing sa droga at PDAF scam)

NANAWAGAN ngayong Linggo kay dating Justice Secretary Leila De Lima ang isang pro-transparency group na ilahad sa publiko kung sino ang mga nagbigay ng pondo para sa kanyang kampanya upang maging senador.

Ayon kay Joyce Doromal, secretary-general ng Laban ng Bayan Tungo sa Malinis na Pamahalaan o Laban, “dapat patunayan ni De Lima na hindi siya kailanman tumanggap” ng pera mula sa pangunahing akusado sa PDAF Scam na si Janet Lim Napoles at galing sa drug lords na inilipat niya sa NBI Detention  center mula sa New Bilibid Prison.

Binigyang-diin ni Doromal, nais nilang matiyak na si De Lima, na suportado ng kanilang grupo, ay ‘malinis’  sa kanyang unang tangka sa mundo ng politika kaya hinihingi nila ang paglalahad sa publiko kung sino-sino ang nagpopondo sa kanyang kandidatura.

Si Napoles ay sinampahan ng kasong plunder kaugnay sa P10 bilyong pisong Priority Development Allocation Fund (PDAF) scam ngunit pinagbigyan ng Sandiganbayan na magpiyansa dahil sa kahinaan ng ebidensiya.

Ang desisyon ng anti-graft court, ayon sa ilang nagmamasid sa kaso, ay nagpapakita lamang umano na ang “krusada” ng Administrasyong Aquino laban sa korupsiyon at katiwalian ay pakitang-tao lamang – at alam ni De Lima sa simula pa lamang ng kanilang panunungkulan.

Maaalala na inilunsad ni De Lima ang magkakasunod na raid at paggalugad sa New Bilibid Prison na nahulihan ng iba’t ibang nagmamahalang kontrabando ang mga nakapiit na akusadong drug lords habang naghahanda na ang dating kalihim ng Kagawaran ng Katarungan sa kanyang pagtakbo bilang senador.

Nang panahong iyon, naghayag din si De Lima sa harap ng media hinggil sa kanyang agam-agam sa pagtakbo dahil sa kakulangan ng pondo para sa kampanya, ngunit itinuloy pa rin ang plano.

Matapos ang ilang paglusob sa bilangguan laban sa mga nakapiit na akusadong may mabibigat na kaso kabilang na ang drug lords sa New Bilibid Prison, biglaang itinigil ni De Lima ang nasabing kampanya nang walang malinaw na dahilan.

Ayon kay Doromal, umaasa sila na hindi ikasasama ng loob ni De Lima ang hakbang ng kanilang grupo dahil hindi nila nais maapektohan ang kandidatura nito.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *