Friday , November 15 2024

Digong Super Corrupt (Nag-overpricing din sa Davao City projects?)

HINDI lamang ang kanyang mga sikretong bank accounts sa Filipinas, Malaysia, Singapore at China at ang mahigit 40 ari-arian sa buong bansa ang magpapatunay na may ill-gotten wealth si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

Putok na putok sa social media ngayon ang “The Binays of Davao City” na nagdedetalye sa mga kuwestiyonableng transaksiyon ni Duterte at ng kanyang anak na sina dating mayor Sarah, Sebastian at Paolo kaya ikinompara sila sa pamilya ni Vice President Jejomar Binay na kinasuhan ng katakot-takot na kasong plunder sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay BIGWAS secretary general Joyce Pinero, nagtataka siya sa sobrang pananahimik ng mga taga-Davao City gayong napakarami palang isyu ng korupsiyon na kinasangkutan ni Duterte na tumatakbo ngayong presidente sa ilalim ng PDP-Laban.

“Nagulat ako sa natanggap kong detalye sa aking Facebook account tungkol sa mga Duterte,” umiiling na sinabi ni Pinero. “Hangang-hanga ako sa kanya noong una kasi tigasin siya, pero pati pala sa pagnanakaw matigas ang mukha niya!”

Tinukoy ni Pinera ang isang detalye na nakasaad sa “The Binays of Davao City: In 2007, the Davao City Government under Mayor Rodrigo Duterte bought garbage cans for P200 million. The small garbage bin which City Hall bought from Duterte’s favored supplier for P6,295 per piece would only cost P2,199 if bought from department stores and hardware. The bigger bins which Duterte bought for P11,000 a piece is only worth P5,150 if purchased from department stores and hardwares.”

Kinuwestiyon din sa kumalat na istorya sa FB ang pagpapatayo ni Duterte ng gusali ng Sangguniang Panglungsod na nagkakahalagang P150 milyon at parke mula sa dating pasilidad pampalakasan.

“In 1996 the Davao City government under Mayor Rodrigo Duterte built a two-storey Sangguniang Panlungsod building for P150-million. During that same period, the management of the nearby Apo View Hotel was built a nine-storey building that only cost P140 million. How can a two-storey government building be more expensive than a nine-storey hotel?” ayon sa ulat.

“In 2007, Davao City Mayor Rodrigo Duterte decided to demolish Davao City’s only sports facility called the Kapitan Tomas Monteverde Sports Center and build a ‘tree park’ instead. For simple concrete walkways and trees that were planted in a 7-hectare lot, the Davao City government had to spend P87 million! With that amount, you can already reforest an entire mountain!”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *