Monday , December 23 2024

‘Bag Lady’ ni Leni pinangalanan

PINANGALANAN na ang umano’y pagador ng kampanya ni Rep. Leni Robredo sa pagkatao ni Julie del Castillo, misis ng pinakamalaki at pinakamayamang kontraktor sa kanyang probinsiya, ang Camarines Sur, at mga karatig lugar nito.

Si Del Castillo  ay tinaguriang “bag lady” ni Robredo na siyang may hawak ng pera para tustusan ang kanyang pangangampanya. Makikita rin daw ito sa lahat ng sortie ng mambabatas sa iba’t ibang probinsiya.

 Ayon sa mga sources, si Del Castillo ay asawa ni Bong del Castillo na may monopolyo umano sa mahigit P2 bilyong sari-saring infrastructure projects sa Camarines Sur at mga kalapit na probinsiya nito.

 Malalapit na kaibigan ni Robredo ang mga Del Castillo kaya naman lantarang isinasama ng “Daang Matuwid” vice presidential candidate sa mga pagbisita sa mga probinsiya bilang kanyang ‘ingat-yaman’ at tagabayad ng mga gastusin sa kampanya. Marami tuloy ang nangangamba  kung ano ang ‘ibabayad’ ni Robredo sa mag-asawang kontratista lalo na’t paulit-ulit na sinasabi ng mambabatas na “simpleng tao” lang siya at wala naman talagang pondo para mangampanya.  

 Taliwas ito sa sinasabi ng congresswoman na kapos siya sa pondo  dahil sa imbestigasyon ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), isang kilala at iginagalang na grupo ng mga award-winning reporters, ay lumalabas na si Robredo ang may pinakamalaking ginastos sa political advertisement sa limang kandidato na nag-aasam na maging bise-presidente.

 Ayon sa PCIJ, gumastos na ng P237.2 milyon para sa kaniyang sariling ads at tandem ads kasama si Mar Roxas hanggang noong Marso 31.

 Matatandaan na si Robredo ay humaharap din sa kaso sa Commission on Elections ukol sa umano’y pagtanggap niya ng campaign  funds mula sa mga kompanyang nakarehistro sa Amerika noong tumakbo siyang kongresista ng ikatlong distrito ng Camarines Sur noong 2013.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *