HARD TALK
ni Pilar Mateo
ISA na namang Wattpad sensation ni YannaLovesYouu! ang ihahatid ng Viva Productions simula sa Abril 14, 2026.
The *BIGGEST ROMCOMACTION OF 2026* kung ilarawan ang idinirehe ni Fifth Solomon sa Viva One.
Ito ang My Husband is a Mafia Boss na pinagbibidahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.
Tila gumawa ng supporters nila sina Rhen at Joseph. Dahil sa ginanap na mediacon nito, iisa ang wish ng mga fan.
Na matuloy sa ligawan ang pagsasama ng dalawa.
Kasi naman, sa taping pa lang daw nila, so very much at home sa isa’t isa ang mag-partner sa istorya.
It looks like lahat naman ng ingredients for a project like this to succeed ay ang pakikipag-trabaho ng bawat involved sa kanilang ginagawa.
Both Rhen and Marco are one in saying na napakalaking push sa kanila ang ibinibigay na workshop ng kanilang direktor para mas umigting pa ang mga emosyon para sa mga katauhang bubuhayin nila.
Inamin naman nila na sa bawat taping ay mas lumalalim ang pagiging magkaibigan. Na hindi malayong humantong sa inaasahan ng mga tagahanga nila.
Hindi nga raw madali para kay Rhen na i-portray ang karakter ng isang Aemie dahil sa kakaibang kabaliwan nito sa pagku-krus ng landas nila ng karakter ni Joseph. Na non chalant lang bilang si Ezekiel Roswell.
Something to look forward to. Milyon na ang nakasaksi sa trailer.
Na nagpapatunay lang na hindi mawawalan ng tagasubaybay ang romcom na ito.
Na ang cast ay sinamahan pa ng mga hahangaang mga artista of this generation.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com