Tuesday , March 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Curtis Jericho Rosales Irene Villamor

Jericho walang kupas, Anne ‘di nagpahuli

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TINANONG ako. Kung papipiliin. Ako raw ba ang The Loved One o the Lover?

Saan galing?

May pelikula pala si Direk Irene VillamorThe Loved One ang titulo. Sina Anne Curtis at Jericho Rosales ang main characters.

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

Nakapanood kami ng advanced screening.

Point of view ng lalaki. ‘Yung nagmamahal. Ikinuwento ang nga pinagdaanan nila ng kanyang minamahal.

Kung pareho mong napagdaanan ang magmahal at mahalin, kapag napanood mo ang istorya nina Eric st Ellie, re-relate ka. Pero matatanong mo sa sarili mo kung sino ka sa kanila.

Are you the lover or the loved one.

Noong tinanong ako before I watched the movie, ang bilis ng sagot ko. I am the lover.

But wait.  Inintindi ko. ‘Yung the loved one. Oo nga pwede palang ako rin ‘yun.

Sa pagdaan ng mga panahon, lalo lang humuhusay sa pagganap niya itong si Echo. Minamata na siya. Ang patak ng luha. Ang igting ng pagbitaw ng mga salita base sa emosyon.

At nagkaroon ng isang Anne. Na kahit kanino mo na rin ipareha eh, todo-bigay na sa kanyang asignatura.

Kemistri? Check! Presensya sa big screen. Swak na may check pa!

Nakatutuwa si Direk Irene. Dahil ang production team niya raw ang nagpu-push sa kanya sa mga naghanap ng sagot sa mga eksenang ginawa niya. Third o fourth opinion. Point of view.

At ang mga nakasabay pa naming nanood na mula sa bagong henerasyon eh getlak na mabuti ang ipinahiwatig ng pinanood.

Ang nga simbolo. Mula umpisa hanggang sa dulo ng frame. Gumalaw.

May sagot ba na itinuro ang istora ng dalawang nagmahalan. Napakarami. Both sides.

And if I will be asked again if I am the loved one or the lover mababaligtad and yet there are pieces of the liver that will remain intact.

‘Yung away, eh. Komprontasyon. Ooops, no spoilers.

Maganda. R-13 ang klasipikasyon ng MTRCB.

A feel good movie na ie-enjoy mong panoorin ang dalawang bida habang ‘di mo namamalayang sumisinghot ka na at may  lumambong  ng luha sa gilid ng mata mo.

The GenZ’s felt it. Ikaw ba namang baby boomer, mag-i-inarte pa at ‘di mo aamining oo nga, realidad ng minsan mong kinaharap ang istorya nila.

Manood kayo. Viva ang gumawa niyan! Swak sa Araw ng mga Puso! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Archi Adamos

Archi Adamos sinuportahan pag-amin ng anak na LGBT member

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang pag-amin ng character actor na si Archi Adamos na may anak …

Cecille Bravo PAFTA

Ms. Cecille Bravo, ginawaran ng Social Impact Leadership Award sa PAFTA

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TUMANGGAP si Ms. Cecille Bravo, Vice President for Finance and …

Ice Seguerra

“The Journey Comes Home: Ice Seguerra Live,” mamayang gabi na sa New Frontier Theatre

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYONG Biyernes, February 27, ang acclaimed na singer-songwriter at actor …

V. Mapa HS 2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards

2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards matagumpay

MATABILni John Fontanilla MEMORABLE at engrande ang 2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards ng V. Mapa High …

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …