MATABIL
ni John Fontanilla
IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si Jennifer Boles ang mga taong naninira sa kanya.
Ayon sa negosyante, “Ipinapasa-Diyos ko na lang sila, anyways sila naman ang magdadala niyan, ‘di natutulog ang Diyos.
“Basta ako magigjng mabait pa rin sa kanila, ayoko kasi ng negative, positibo kasi akong tao.
“’Di ko nga alam kung may nagawa ba akong ‘di maganda sa kanila? If ever na mayroon, sorry! Pero as far as I’m concern parang wala naman.
“Naging mabait naman ako sa mga taong nakakasalamuha ko, especially sa mga taong malapit sa akin at itinuturing kong kaibigan.”
Sa ngayon ay masaya ito sa bagong tahanan ng kanyang negosyong Tres Chick Luxury Original, isang shop na nagbebenta ng guaranteed authentic/original preowned items. May online selling ito at kasamang nagbebenta ang mga artista na sina Rainer Castillo, Cogie Domingo, Patani Dan̈o, Toni Co, Mark Herras, Dexter Doria atbp..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com