CHRISTMAS season nang umingay ang bagong lunsad na mag-eendoso ng White Castle Whisky.
Tuwing may pakulo ang nasabing inumin, talagang nakatatak na sa isip ng mga tao ang klase ng pagpapa-ingay nito. Kapag ang modelo ay sakay na ng isang puting kabayo.
Ilang modelo na rin nito ang nasaksihang humawak ng botelya ng White Castle Whisky. Ang naging Miss World runner-up na si Evangeline Pascual, aktres na si Lorna Tolentino, Playboy centerfold Tetchie Agbayani, comedienne/actress Carmi Martin, bold international actress Maria Isabel Lopez, at Glydel Mercado.
Sa panahon ni Glydel namin nasaksihan sa pictorial at paggawa ng commercial ang hirap para mabuo ang patalastas na kabayo ang kaeksena.
Nang mga sumunod ng panahon, dumating na ang mga bagong breed. Roxanne Ginoo, Sassa Girl, Ria Atayde, Angelie “Pench” Andanar at marami pa.
Ngayong taon, hindi naman nawala ang mga hinanap ng Destileria Limtuaco sa kanilang bagong modelo.
Mula sa GMA Network ang online at TV personality na si Ashley Rivera. Ang nagpapatawa sa mga sumusubaybay sa kanya bilang si Petra Mahalimuyak sa TikTok at YouTube na isa ring mahusay na host sa Chicks 2 Go. At si Tita Carmi niya ang naging inspirasyon ni Ashley para umasam na makasakay din sa puting kabayo.
Parang personalidad ni Ashley ang sinasalamin sa inuming hindi nawawala sa lahat ng okasyon.
“Dapat light lang!”
Beauty. Talent. Filipino identity. Gaya ng mga nauna sa kanya. Napantayan kayang lahat ni Ashley ‘yan?
Makikita natin ‘yan sa sales report ng produkto.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com