Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Onemig Bondoc Aiko Melendez

Onemig, Aiko happy together 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAKAMIT na kaya ngayon ni Onemig Bondoc ang matamis na ‘Oo’ ni Aiko Melendez?

Ito ang tanong ng marami matapos bumandera ang mga picture ng dalawa na magkasama kasama ang nakaiintrigang caption ni Onemig sa kanyang Instagram account, ang “Happy together…after 29 yrs.” 

Marami ang nagkomento sa post ng aktor, isa na ang anak dalaga ni Aiko na si Marthena Jickain na mukhang boto sa aktor, Aniya, “Aww,” with heart emoji.

Sinabi naman nina Onemig at Aiko na nasa ligawan stage pa lamang sila. Kaya wait na lang tayo sa announcement ng dalawa sakaling matuloy na nga sa relasyon ang maganda nilng samahan.

Magkasamang namasyal ang aktor at aktres sa Batangas na nang hindi matulog ay nag-live.

Panimulang wika ni Aiko na ikinakilig ng karamihan, “Are we bagay? Talaga ba? Should I give him a chance?” 

Pero mabilis nitong nilinaw an hindi pa sila magdyowa.  

Wika naman ni Onemig, “I wish. Pero hindi niya pa ko sinasagot, eh,” kasabay ang pagsasabing totoo angfeelings niya para sa aktres.

Sinabi pa ni Onemig na halos tatlong dekada na siyang naghihintay sa kasagutan ni Aiko. 

Muling nagrekonek ang dalawa nang mag-guest ang aktor sa YouTube vlog ng aktres. At doon nabuking na niligawan niya noon si Aiko. 

At ang pagkikita nila sa Batangas ay bilang kabayaran sa naunsyami nilang pagkikita dapat sa Subic noon.  

“Ako ‘yung hindi sumipot. Bahala na kayo, sige na cheers tayo, sisiputin na kita sa Quezon City,” sabi ni Aiko.

Sinipot ko na kasi siya. Nag-usap kaming mabuti. Probably kasi I wasn’t ready at the time, and I thought that he wasn’t serious,” wika pa ni Aiko.

Iginiit naman ni Onemig na friends sila ni Aiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mga pelikula ng GMA aarangkada na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus  MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sanggang Dikit FR

Dennis nakiusap tantanan asawang si Jen sa mga intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si tita Becky Aguila sa …

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …