Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PA
ni Rommel Placente

WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa panayam namin kay Gerald ay inamin na single pa rin at hindi sila nagkabalikan ni Julia.

Lumutang kasi ang tsikang nagkabalikan ang dalawa noong nakitang magkasama sila sa unang gabi ng burol ng tiyuhin ni Julia, si Mito Barretto dalawang buwan na ngayon ang nakararaan.

Sabi ni Gerald, ”Single po talaga ako ngayon. Maraming balita na I think responsibilidad ng publiko na alamin o kung ano ‘yung fake news at kung ano ang totoong news, hindi lang po sa industriya ng showbiz kundi sa lahat.

“Mag-ingat po kayo sa fake news at responsibilidad ninyo rin po ‘yan (alamin ang totoo bago ibalita).”

Samantala, sa pelikulang Rekonek, na isa sa entry sa MMFF 2025, isa si Gerald sa mga producer nito. 

Sa tanong sa aktor kung ano ang challenges na kinaharap niya sa pagiging first time producer, sagot niya, ”Maraming challenges, finance, schedule ng mga artista mismo. MMFF, kung makakapasok kami. I think, out of 50, walo lang ang pipiliin.

“Noong na-announce kami, isang malaking blessing na ‘yun, isang malaking opportunity.

Tungkol naman sa pagpayag niya na makipag-co-produce sa Rekonek, paliwanag niya, “Naniniwala po ako sa proyekto.

“Ang pinakaimportante sa akin is ‘yung istorya. You can have a beautiful cast, pero kung hindi maganda ‘yung istorya mo, hindi malinaw, hindi talaga magwo-work.

“So, ‘yun ang no. 1 priority para sa akin.”

Bukod kay Gerald, kasama rin sa cast sina Gloria Diaz, Legaspi family na sina Zoren, Carmina, Cassy,at MavyBela Padilla, Andrea Brillantes, Kokoy de Santos at marami pang iba.

Showing na ang pelikula sa December 25. Mula ito sa direksiyon ni Jade Castro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Vilma Santos Best Actress star Awards

Vilma in high spirit ‘pag tumatanggap ng tropeo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I feel so happy, it’s a different high.” Ito ang tinuran …