Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Alcasid Odette Quesada Francis Magalona

Ogie may pa-tribute kay Francis M sa Q&A

HARD TALK
ni Pilar Mateo

OA naman talaga ang clamor para sa repeat ng pagsasama ng dalawang OA sa kagalingan pagdating sa talento nila sa pagkanta, pati na sa pagsusulat nito.

Si Ogie Alcasid.  Songwriter. Na katakot-takot na hits na ang ginawaran ng parangal sa maraming pagkakataon. At patuloy pa ring inihihinga ang kanyang mga awitin.

Si Odette Quesada. Bagama’t mas pinili na ang manahan sa Amerika ay inililipad pa rin ng kanyang mga himig sa bansang sinilangan. Dahil din sa kanyang mga kanta.

OA ba sila pagsamahin?

Sa November 7, 2025 sa Sam Mall of Asian Arena, magtutunggalian na naman sila, hindi sa boses kundi sa puso ng pagbibigay buhay nila sa mga awiting sariling atin. OPM. Original. Pilipino Music.

Nagsabing mga sikat at pinasikat nilang mga kanta ang mga OA.

Marami ngang sikreto pa at doon na lang mapakikinggan sa pagsasama nila.

Nakauwi na sa bansa si Odette. Naghahanda na para sa big night nila ni Mr. A. 

Sabi ni Ogie, may tribute sila para sa namayapang King of Rap ng kanyang panahon na si Francis Magalona. Kaya sinisiguro nitong magiging  nostalgic ang gabi.

Hindi pa rin makalimutan ni Ogie nang personal na mapanood at nakita ang idolo niyang si Paul McCartney. Na halos matunaw daw siya sa unang banat pa lang nito sa kantang Hey, Jude (na isinulat nito para sa anak ni John Lennon na si Julian). Ang pagkalabit sa kwerdas ng kanyang gitara. 

Kaya inspiradong-inspirado ito sa Q & A concert nila ngayong Biyernes.

Kaliwa’t kanan man at sunod-sunod ang mga serye nang pagtapak ni A sa sari-saring entablado, iba pa rin ang matuutnghayan sa kanila ni O sa nasabing petsa.

At buo ang tiwala sa kanila ng mga sumusuporta sa nasabing pagtatambal gaya ng Rebisco, Katinko, Mango Tree, Mogu Mogu, McDonalds, Mega Sardines,  MWell, PAL, JB music, InLife, LBC at Glass Ballroom ng Okada Manila.

Buong ningning, binuo ito ng ATeam ni Alcasid at ng NY Entourage Production, at ni Ms. Sharon Cuneta

Ano pa kayang ka-OA-‘yan ang ihahatid ng dalawa?

Itinanong ko kung ang awitin ba ng namayapang partner ni O na si Bodjie Dassig na Mabuti Pa ay kakantahin?

Malamang daw sabi ni A. Kakantahin niya at mayroon din sin si A na kakantahin naman ni O.

So, abangan! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …