MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA si Cristine Reyes sa bago nitong pag-ibig sa isang non-showbiz.
Sa isang interview ay inamin ni Cristine na naka-move-on na siya sa brea- up nila ni Marco Gumabaoat happy na sa bagong karelasyon.
At dahil nga sa mga nangyari sa kanyang mga past relationship na nauwi sa hiwalayan, this time ay mas gusto na nitong pribado ang kanyang buhay pag-ibig.
Hindi na rin nito ibinahagi ang pagkikilanlan ng kanyang bagong boyfriend, basta ang mahalaga aniya ay masaya siya ngayon.
Ayaw na rin nitong magkuwento tungkol sa paghihiwalay nila ni Marco. Kung ano ang dahilan ay silang dalawa na lang niyon ang nakaaalam.
“Sa amin na lang iyon, respect na namin sa isa’t isa. But we are super ok,” ani Cristine.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com